Miyerkules, Enero 19, 2011

Mariana

kung singlalim ng Mariana
ang iyong tula
nabubuhay sa metapisika't hiwaga
nakatago ang puso sa ilalim ng lupa

                                                         tiyak

mamamatay nang tulala
ang sino mang mambabasa
malulunod sa nagdilim na talinghaga
itinago nang husto sa ilalim ng lupa