Biyernes, Hulyo 29, 2011

Ngiyaw

Nagkalat ang mga pusa sa lansangan,
tulad ng mga luhang inilatag sa unan.

Bubog

sa isang larawan:

nakalapat ang iyong labi
sa isang estrangherong pisngi

at may sumibol na bubog
sa mata kong namighati.