Linggo, Pebrero 10, 2013

Ikaw At Ikaw

nag-away tayo, nito lang, mga mag-iisang oras pa lang ang nakalipas.

pero mali, hindi pala iyon away. kasalanan ko lang talaga, hindi ako nakasunod sa itinakda.

kaya hindi iyon away. nainis ka lang siguro sa akin, nabuwisit ka lang sa akin, nabuwisit at nainis ka sa akin. kung gaano katindi: lumabas na naman sa bibig mo, sa mga dulo ng iyong daliri ang bagay na ayaw kong mangyari. kaya nga buong loob akong sumasalo ng mag dapat saluhin. 

kasalanan ko. at lagi ko namang kasalanan. alam ko iyon.

iniisip ko, hindi pa naman tayo nag-aaway. hindi ba't ang away ay pinagigitnaan ng galit, o bugso ng inis at pagkaburyo sa isa't isa, kaya nakapagbibitaw sa isa't isa ng di magagandang salita o nagkakasakitan; balanse: yung galit ka at galit ako, ganoon ang away, di ba?

pero hindi. wala at hindi tayo umaabot sa ganito. at alam kong di tayo aabot dito.

alam mo naman at ipinaliwanag ko sa iyo na kaya kong saluhin ang lahat, kaya kong buhatin kaya kong lunukin ang lahat, ang lahat-lahat -lahat basta makarating tayo doon sa destinasyon natin. at kahit doon, ito at ganito ako. hindi ba?

laging ikaw ang inis at galit sa akin, at kasalanan ko lang din naman. 

humihingi ako ng tawad, tulad ng lagi kong ginagawa. tanggapin mo sana. ang layo ng mga pagitan sa pagitan natin. malawak na patlang na maaring maging pader na itatakwil tayo sa isa't isa.

matagal ko nang kinain ang pride chicken ko, para sa iyo.

natatakot ako. manatili ka.

naghihintay ako.

mababasa mo kaya ito? ikaw at ikaw.

_________________

“We fall in love because we long to escape from ourselves with someone as beautiful, intelligent, and witty as we are ugly, stupid, and dull. But what if such a perfect being should one day turn around and decide they will love us back? We can only be somewhat shocked-how can they be as wonderful as we had hoped when they have the bad taste to approve of someone like us?” 
― Alain de Botton, On Love