bihira lamang kung matagpuan kita
o ng aking talampakan.
patuldok-tuldok lamang ang daplis
mo sa kalunsuran.
hindi sa iniiwasan kita; ako'y anak
ng semento at aspalto,
kaya't di makilala ng aking sakong
ang pag-ibig mo.
nakikiramdam ang aking dibdib
at mga kalamnan,
malapit na tayong magtagpo
hindi lamang talampakan
kundi ang lahat-lahat,
buto't laman
at ang aking kawalan.
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nayon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nayon. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Hulyo 14, 2012
Kasalang Bayan
Bride: Ako, si Athena Curacha Pinagpala
na nguso'y parang sumabog na tiyan ng tilapia.
Ilong na tila napitpit ng galit na martilyo,
noong pwedeng lapagan ng sampung eroplano.
Mata ko'y walang ipinag-iba sa butiki,
kutis ko'y maihahambing sa balat ng paniki.
Mala-buhok-ng-mais nagsisitubo sa aking anit,
pisnging maumbok nga'y tighiyawat nagsisisingit.
Balakang ko'y singkitid ng madulas naming eskinita,
hitang singpayat ng nabulok na sanga ng papaya.
Tuhod na sinumpa sa libu-libong sensilyo.
Sakong ko'y nagbakbak sa alipunga at kalyo.
Groom: Ako naman, si Elvis Dimaano Dela Cruz,
paang mukha nang luya'y suki pa ng paltos.
Binti ko'y tinadtad ng buni, pigsa at galis,
hitang pinanay ng sugat, an-an at gurlis.
Walang pandesal itong tiyan kong nag-impis
na ayaw ko ma'y madalas lamanan ng panis.
Dibdib ko'y isang kanbas na pinagpraktisang tatuan
ng mga kaibigang namberwan sa sugalan at lasingan.
Mga kamay ko'y maiiksi nakomang pa ang kaliwa,
balat na singkulay ng manibalang na chesa.
Labi ko'y mala-rosas malas lamang ay makapal,
matang malalaki kilay ay masusukal.
Patusok, mga tenga ko't ilong tulad sa duwende.
Buhok ko'y pinagtripan ng barberong gamit ay lagare.
Bride at Groom: Kami, sa tapat ni Mayor Madlangnakaw,
pinagtitibay, pag-iisang dibdib naming nag-uumapaw;
sa atas ng aming damdaming ginulpi ng tukso
at kapalarang tampulan ng nagmamagandang mundo.
Kapos man sa kraytiryang tanggap ng lipunan,
marangal naming ibinabayubay, simple naming katauhan.
Na kahit pinaglihi yata sa tiyanak at maligno
o sa kung anumang halimaw na likha ng kung sino
ay matapat kaming humihinga, walang layaw at bisyo--
walang konsiyensiyang binabangungot, nagdedeliryo--
kundi umibig lamang nang tapat at sinsero.
Kami, dalawa'ng itsura'y kinulang man sa rikit at luho
ay marunong namang kilalanin, tibok ng aming mga puso.
na nguso'y parang sumabog na tiyan ng tilapia.
Ilong na tila napitpit ng galit na martilyo,
noong pwedeng lapagan ng sampung eroplano.
Mata ko'y walang ipinag-iba sa butiki,
kutis ko'y maihahambing sa balat ng paniki.
Mala-buhok-ng-mais nagsisitubo sa aking anit,
pisnging maumbok nga'y tighiyawat nagsisisingit.
Balakang ko'y singkitid ng madulas naming eskinita,
hitang singpayat ng nabulok na sanga ng papaya.
Tuhod na sinumpa sa libu-libong sensilyo.
Sakong ko'y nagbakbak sa alipunga at kalyo.
Groom: Ako naman, si Elvis Dimaano Dela Cruz,
paang mukha nang luya'y suki pa ng paltos.
Binti ko'y tinadtad ng buni, pigsa at galis,
hitang pinanay ng sugat, an-an at gurlis.
Walang pandesal itong tiyan kong nag-impis
na ayaw ko ma'y madalas lamanan ng panis.
Dibdib ko'y isang kanbas na pinagpraktisang tatuan
ng mga kaibigang namberwan sa sugalan at lasingan.
Mga kamay ko'y maiiksi nakomang pa ang kaliwa,
balat na singkulay ng manibalang na chesa.
Labi ko'y mala-rosas malas lamang ay makapal,
matang malalaki kilay ay masusukal.
Patusok, mga tenga ko't ilong tulad sa duwende.
Buhok ko'y pinagtripan ng barberong gamit ay lagare.
Bride at Groom: Kami, sa tapat ni Mayor Madlangnakaw,
pinagtitibay, pag-iisang dibdib naming nag-uumapaw;
sa atas ng aming damdaming ginulpi ng tukso
at kapalarang tampulan ng nagmamagandang mundo.
Kapos man sa kraytiryang tanggap ng lipunan,
marangal naming ibinabayubay, simple naming katauhan.
Na kahit pinaglihi yata sa tiyanak at maligno
o sa kung anumang halimaw na likha ng kung sino
ay matapat kaming humihinga, walang layaw at bisyo--
walang konsiyensiyang binabangungot, nagdedeliryo--
kundi umibig lamang nang tapat at sinsero.
Kami, dalawa'ng itsura'y kinulang man sa rikit at luho
ay marunong namang kilalanin, tibok ng aming mga puso.
Martes, Pebrero 21, 2012
Untitled 2
Naaalaala mo ba,
Ang mga dating umaga?
Noong mga mumunting paa
Pa lamang ang itinatapak natin
Sa mabatong tabi-ng-ilog?
Magpapatihulog
Tayo sa pisngi ng tabang, kikilitiin
Ng mga hipon at maliliit na isda,
Mga binti nati’t pigi.
Mababasa ang ating mga damit:
Ang iyong kupas nang kamison
Na bigay kamo ng iyong Inang,
Ang kamiseta ko’t salawal, na niluma
Ng mina, ng bato’t graba. Ilalatag natin
Sa batuhan, damit nating gitata,
Ipatutuyo sa lisik ng tanghaling araw,
Hubad tayo sa pagnanasa. Batid mo ba
Ang walang-malay na simoy noon ng hangin?
Matapat tayo sa isa’t isa,
Tulad ng mga damit
Nating nakahiga sa batuhan.
Sinabi mo sa akin, na paglaki mo,
Gusto mong pumunta sa malayo, gusto
Mong lumipad kasama ng mga ibon.
Gusto mong titigan ang mga bundok
Mulang papawirin.
Pinakikinggan lamang kita, gusto ko
Ang tinis ng iyong boses. Iniisip ko, noon,
Na ako ang makakasama mo sa paglipad,
Magiging mga agila tayo. Gagalugarin natin
Ang daigdig.
Naaalaala mo pa ba,
Ang mga dating umaga?
Ngayon, makalyo na ang aking mga paa.
Alam mo bang tuyo’t na ang ilog
Na ating pinaglanguyan?
Kupas na ang mga alaala,
Tulad ng mga kamison at kamiseta
Na hindi na maihihiga sa batuhan.
Inilipad ka ng iyong matayog na pangarap,
Ibinaon ako ng mga paghihirap,
Sa salimuot ng kuweba,
Sa mga lumad at graba.
Ngayon, sa bintana ng gunita, ninanamnam ko
Ang pagsayaw ng mga damit sa sampayan.
Wala na ang kawalang-malay ng hangin.
Naging ibon ka nga, huli kong balita.
Naaalaala mo pa kaya,
ang ating mga umaga?
*bahagi ng kolaborasyon ng KM64 at Usapang Kalye, "Poetry In Stills"
Ang mga dating umaga?
Noong mga mumunting paa
Pa lamang ang itinatapak natin
Sa mabatong tabi-ng-ilog?
Magpapatihulog
Tayo sa pisngi ng tabang, kikilitiin
Ng mga hipon at maliliit na isda,
Mga binti nati’t pigi.
Mababasa ang ating mga damit:
Ang iyong kupas nang kamison
Na bigay kamo ng iyong Inang,
Ang kamiseta ko’t salawal, na niluma
Ng mina, ng bato’t graba. Ilalatag natin
Sa batuhan, damit nating gitata,
Ipatutuyo sa lisik ng tanghaling araw,
Hubad tayo sa pagnanasa. Batid mo ba
Ang walang-malay na simoy noon ng hangin?
Matapat tayo sa isa’t isa,
Tulad ng mga damit
Nating nakahiga sa batuhan.
Sinabi mo sa akin, na paglaki mo,
Gusto mong pumunta sa malayo, gusto
Mong lumipad kasama ng mga ibon.
Gusto mong titigan ang mga bundok
Mulang papawirin.
Pinakikinggan lamang kita, gusto ko
Ang tinis ng iyong boses. Iniisip ko, noon,
Na ako ang makakasama mo sa paglipad,
Magiging mga agila tayo. Gagalugarin natin
Ang daigdig.
Naaalaala mo pa ba,
Ang mga dating umaga?
Ngayon, makalyo na ang aking mga paa.
Alam mo bang tuyo’t na ang ilog
Na ating pinaglanguyan?
Kupas na ang mga alaala,
Tulad ng mga kamison at kamiseta
Na hindi na maihihiga sa batuhan.
Inilipad ka ng iyong matayog na pangarap,
Ibinaon ako ng mga paghihirap,
Sa salimuot ng kuweba,
Sa mga lumad at graba.
Ngayon, sa bintana ng gunita, ninanamnam ko
Ang pagsayaw ng mga damit sa sampayan.
Wala na ang kawalang-malay ng hangin.
Naging ibon ka nga, huli kong balita.
Naaalaala mo pa kaya,
ang ating mga umaga?
*bahagi ng kolaborasyon ng KM64 at Usapang Kalye, "Poetry In Stills"
Sabado, Pebrero 11, 2012
Tining
pagkaminsan,
gusto nating maglaho na
lamang;
iyong waring mga bulang
bibilog sa hangin
at isang kisap na mawawala.
gusto nating maglaho
'pagkat gusto nating mawala
sa realidad,
gusto nating umusad.
nilalagom tayo ng mga di inaasahan
at sukat na bigtiin natin
ang pag-asa at ipatak
ang karagatan ng luhang
bumubukal sa nilansag, nilamukos
na puso.
pagkaminsan, gusto nating magwala,
at kitlan ng tiwala
ang mundo.
pagkaminsan lamang,
pagkaminsan.
dahil ano't anuman,
oo, tanaw-mata ang dumi
ngunit pakatandaan
tumitining din
ang lusak.
*kay abbott
gusto nating maglaho na
lamang;
iyong waring mga bulang
bibilog sa hangin
at isang kisap na mawawala.
gusto nating maglaho
'pagkat gusto nating mawala
sa realidad,
gusto nating umusad.
nilalagom tayo ng mga di inaasahan
at sukat na bigtiin natin
ang pag-asa at ipatak
ang karagatan ng luhang
bumubukal sa nilansag, nilamukos
na puso.
pagkaminsan, gusto nating magwala,
at kitlan ng tiwala
ang mundo.
pagkaminsan lamang,
pagkaminsan.
dahil ano't anuman,
oo, tanaw-mata ang dumi
ngunit pakatandaan
tumitining din
ang lusak.
*kay abbott
Sabado, Enero 28, 2012
Bangkay
mas papanigan ko sana ang mga alitaptap
gayong iyon pala'y mga bituin sa dibdib
ng itim na kurtina ng langit
mas papanigan ko sana sila, pagkat tanglaw
silang gumagabay sa aking mga hakbang
lumipas ang umagang pinatay ko lamang
ang takdang makadadaupang palad ko
sana, ang mga sakada ng hasyenda
lumipas ang mga minutong inilagak ko
sa dampi ng malambot na kumot at sinigang
ang tamis ng buhay bilang gitnang uri
lumipas ang mga oras, inabangan ang dampi
ng pait sa labi at gumitaw ang samyo ng tsiko
sa balabal ng gabi
makailang ulit na akong ninanakawan ng panaginip
walang gunita ang mga madaling-araw
sa mga umaga, gumigising akong tila walang kaluluwa
bangkay ng pakikibakang patuloy na nananariwa
gayong iyon pala'y mga bituin sa dibdib
ng itim na kurtina ng langit
mas papanigan ko sana sila, pagkat tanglaw
silang gumagabay sa aking mga hakbang
lumipas ang umagang pinatay ko lamang
ang takdang makadadaupang palad ko
sana, ang mga sakada ng hasyenda
lumipas ang mga minutong inilagak ko
sa dampi ng malambot na kumot at sinigang
ang tamis ng buhay bilang gitnang uri
lumipas ang mga oras, inabangan ang dampi
ng pait sa labi at gumitaw ang samyo ng tsiko
sa balabal ng gabi
makailang ulit na akong ninanakawan ng panaginip
walang gunita ang mga madaling-araw
sa mga umaga, gumigising akong tila walang kaluluwa
bangkay ng pakikibakang patuloy na nananariwa
Lunes, Oktubre 17, 2011
Katuturan*
oo, kahit ang pinakamatatatag
na punongkahoy ay inaagawan
ng sanga, ng mga dahon.
batas ng kalikasan ang kumitil
at hindi ito mapipigil ng anuman
kahit ng dakilang larangan
ng agham at katalinuhan.
namamatay ang mga bayani
sa maraming dahilan.
maaring nadulas habang naglalakad
sa lansangan, nabagok.
maaaring habang umaawit,
isang punglo ang naligaw
sa kaniyang kaliwang mata, sabog
ang bungo. maaari ring habang lulan
ng dyip, isang kaskaserong drayber
ang nagtrip na lumanding sa pader,
at isa ang bayani sa tiyak na mapuputol
ang dakilang hininga.
hinding-hindi natin mapipigil ang kamatayan.
maaaring kitlin ng malaria ang bayani,
maaring sa cholera o sa isang epidemya.
maaring habang natutulog. maaaring
magtaksil ang puso. maaaring huminto
ang pulso.
tinatablan ng batas ng kalikasan
ang mga bayani
ngunit kaiba sa bayaning lantad ang panloob
wala silang kakaibang kapangyarihan.
payak ang lahat ng bagay ukol sa kanila.
kabisado ang mga huni ng ibon. alam
ang kaibhan ng langit sa mga umaga
at langit sa mga gabi. marunong magsaing
sa kawayan. matatag ang paa sa lakaran.
mahigpit ang hawak sa takyaran. marunong
gumapas ng talahib. sanay ang paa sa putikan.
gamay ang parang at kagubatan. payak
ang kanilang lakas. tao at tao lamang din sila.
sila ang sanga ng matatag na punongkahoy
na lumilikha ng hangin laan sa lahat ng humihingang
nilalang. tinatablan sila ng kamatayan at, oo,
nauubos din ang kanilang hininga
ngunit alam nila ang pinagsisilbihan
ng kanilang katuturan
sa sanlibutan.
*kay K.R.
na punongkahoy ay inaagawan
ng sanga, ng mga dahon.
batas ng kalikasan ang kumitil
at hindi ito mapipigil ng anuman
kahit ng dakilang larangan
ng agham at katalinuhan.
namamatay ang mga bayani
sa maraming dahilan.
maaring nadulas habang naglalakad
sa lansangan, nabagok.
maaaring habang umaawit,
isang punglo ang naligaw
sa kaniyang kaliwang mata, sabog
ang bungo. maaari ring habang lulan
ng dyip, isang kaskaserong drayber
ang nagtrip na lumanding sa pader,
at isa ang bayani sa tiyak na mapuputol
ang dakilang hininga.
hinding-hindi natin mapipigil ang kamatayan.
maaaring kitlin ng malaria ang bayani,
maaring sa cholera o sa isang epidemya.
maaring habang natutulog. maaaring
magtaksil ang puso. maaaring huminto
ang pulso.
tinatablan ng batas ng kalikasan
ang mga bayani
ngunit kaiba sa bayaning lantad ang panloob
wala silang kakaibang kapangyarihan.
payak ang lahat ng bagay ukol sa kanila.
kabisado ang mga huni ng ibon. alam
ang kaibhan ng langit sa mga umaga
at langit sa mga gabi. marunong magsaing
sa kawayan. matatag ang paa sa lakaran.
mahigpit ang hawak sa takyaran. marunong
gumapas ng talahib. sanay ang paa sa putikan.
gamay ang parang at kagubatan. payak
ang kanilang lakas. tao at tao lamang din sila.
sila ang sanga ng matatag na punongkahoy
na lumilikha ng hangin laan sa lahat ng humihingang
nilalang. tinatablan sila ng kamatayan at, oo,
nauubos din ang kanilang hininga
ngunit alam nila ang pinagsisilbihan
ng kanilang katuturan
sa sanlibutan.
*kay K.R.
Linggo, Hulyo 10, 2011
Ang Paninindigang Lupa At Lupa, Wala Nang Iba
sa lupa kami nabuhay
sa lupa kami nabubuhay
sa lupa kami mabubuhay
sa lupa kami mamamatay
lupa ang aming gulugod
lupa ang aming tuhod
lupa ang aming balat
lupa ang aming mga sugat
kami ang lupa ng palay
kami ang lupa ng uhay
kami ang lupa sa kaparangan
kami ang lupa sa tubuhan
lupa ang aming hangad
lupa ang guhit sa aming palad
lupa ang aming hininga
lupa ang aming pakikibaka
hindi stock, hindi stock
hindi ang pinagpipilitang niyong stock!
sa lupa kami nabubuhay
sa lupa kami mabubuhay
sa lupa kami mamamatay
lupa ang aming gulugod
lupa ang aming tuhod
lupa ang aming balat
lupa ang aming mga sugat
kami ang lupa ng palay
kami ang lupa ng uhay
kami ang lupa sa kaparangan
kami ang lupa sa tubuhan
lupa ang aming hangad
lupa ang guhit sa aming palad
lupa ang aming hininga
lupa ang aming pakikibaka
hindi stock, hindi stock
hindi ang pinagpipilitang niyong stock!
Biyernes, Hunyo 24, 2011
Mamaya: Tatlong Tula Sa Eklipse
I.
Mamaya, maaring sabay
kaming nakatitig sa buwan.
Sabay sa paghanga at pagdakila.
Mga debotong nakatingala sa poon.
Marahil, kabisado na ng buwan
ang aming mga puyo.
Ang aking pagkalango sa anino,
ang espasyong kaniyang tinungo
Kung mukha ng diyos
ang mamaya’y masilayan
Alam sana ng buwan
ang aking kahilingan.
II.
at, mamaya,
habang tila
pulang balintataw
na nakatitig ang buwan sa sanlibutan,
alam kong hindi ako nanaginip
kung kasabay ng pagtitig,
may alulong ng nagmamartsang mga paa
sa lahat ng lansangan
sa lahat ng lungsod
at may mga sulong
maalab na naghahasik ng liwanag
sa lahat ng dako
sa lahat ng dakong dilim
ang nakilalang hantungan
liwanag ang mga sulo—maghahawan
ng dilim, mas mapula
sa balintataw ng buwan
malayang makikipagtitigan.
III.
Isang pulang balintataw,
ang buwan.
Na pinararatangang diktador ng lungkot,
manlilikha ng alon at baha,
emperador ng kabaliwan kung kabilugan.
Saksi, mamaya, ang mga bubog na bituin,
maging ang malawak na kawalan ng kalawakan.
Magbibihis ng mukha
ang buwan.
Grandiyosong magsusuot ng anino
ng mundong tititigan ng araw.
Walang maliligaw
na mga ulap, tila nagkasundong
magkubli’t pagbigyan
ang buwan.
Pagkat ito, ang miminsang pagkakataon
Na magmimistulang bolang apoy
ang buwan,.
At tayo,
tayong mga nilagom ng dilim,
tayong inagawan ng liwanag
tayo’y di lamang sasaksi.
Titigan natin ang pagbibihis
ng buwan.
Pulang balabal ang itatakip
sa kaniyang mukha,
magsisilbing kanlungan ng
ating paglaya.
Ito ang mapulang gabing hindi
mapapansin ng mga berdugo
na sila’y naliligo’t lumuluha
ng sariling dugo.
Huwebes, Hunyo 23, 2011
Pangarap
maglalandas ang pawis sa aking pisngi
tinatahak ang direksiyon ng mga gatlang
iginuhit ng panahon
nakatutok ang tirik na araw
tinuntudlaan ang aking kabuuuan
parang ibon na ikinulong sa lawak
ng liwanang at kumpol ng ulap
yuyuko ako, katulad ng mga gintong palay
na sumasayaw sa paghaplos ng hangin
malawak ang dagat ng luntian
may mga sumusungaw na puno
sa di kalayuan, nakatindig
ang mahiyaing mga kubo
salasalabat ang mga pilapil, umaawit
ang mga palakang hinugasan ng ulan
ng kalilipas lamang na ambon
humpak na ang aking pisngi
naglalagas na rin ang mga ngipin
salit-salit na rin ang mga abuhing buhok
at makikita ko ang aking mahal
tinatahak ang pilapil, tangan ang buslong
ang kalamnan ay pananghalian
palilipasin ang minuto, mga oras
masaya akong mamamahinga
ang lupa'y ako at siya'y akin
ito ang imahen ng ako paglipas ng mga taon
ngunit hindi ito ang aking pangarap
marahil sa langit, kung mayroon man,
na lamang ito magiging ganap
pagkat alam kong ito'y isang suntok-
sa-buwan, pagpapanggap sa
katotohanan
na ako'y abang magbubukid
ililibing sa mumurahing ataol
sa lupang buhay ko, ngunit ipinagkakait
ng mga buwitreng ngasab ang aking
mga buto.
tinatahak ang direksiyon ng mga gatlang
iginuhit ng panahon
nakatutok ang tirik na araw
tinuntudlaan ang aking kabuuuan
parang ibon na ikinulong sa lawak
ng liwanang at kumpol ng ulap
yuyuko ako, katulad ng mga gintong palay
na sumasayaw sa paghaplos ng hangin
malawak ang dagat ng luntian
may mga sumusungaw na puno
sa di kalayuan, nakatindig
ang mahiyaing mga kubo
salasalabat ang mga pilapil, umaawit
ang mga palakang hinugasan ng ulan
ng kalilipas lamang na ambon
humpak na ang aking pisngi
naglalagas na rin ang mga ngipin
salit-salit na rin ang mga abuhing buhok
at makikita ko ang aking mahal
tinatahak ang pilapil, tangan ang buslong
ang kalamnan ay pananghalian
palilipasin ang minuto, mga oras
masaya akong mamamahinga
ang lupa'y ako at siya'y akin
ito ang imahen ng ako paglipas ng mga taon
ngunit hindi ito ang aking pangarap
marahil sa langit, kung mayroon man,
na lamang ito magiging ganap
pagkat alam kong ito'y isang suntok-
sa-buwan, pagpapanggap sa
katotohanan
na ako'y abang magbubukid
ililibing sa mumurahing ataol
sa lupang buhay ko, ngunit ipinagkakait
ng mga buwitreng ngasab ang aking
mga buto.
Biyernes, Mayo 20, 2011
Doon, Doon Sinta (Sa Himig Ng Leron, Leron Sinta)
Doon, doon sinta.
Bundok na malaya.
Dala-dala'y idyo,
tapang at pagbaka.
Pagdating sa dulo,
tagumpay ang paglaya.
Ang ating hantungan
payapang umaga!
Bundok na malaya.
Dala-dala'y idyo,
tapang at pagbaka.
Pagdating sa dulo,
tagumpay ang paglaya.
Ang ating hantungan
payapang umaga!
Biyernes, Abril 22, 2011
Takyaran
Yakap ko siya
ang matalim niyang kabuuan
malamig
maligalig
ang tibok ng kaniyang dibdib
nagngingitngit
nagngangalit
kung sakali ma't
maghiwalay ang aming
ngayon
isa lamang ang aking ikahihinahon:
mapalaya niya
ang kaniyang silbing
magpalaya--
gilitan ng leeg
silang ganid at nagsasamantala.
ang matalim niyang kabuuan
malamig
maligalig
ang tibok ng kaniyang dibdib
nagngingitngit
nagngangalit
kung sakali ma't
maghiwalay ang aming
ngayon
isa lamang ang aking ikahihinahon:
mapalaya niya
ang kaniyang silbing
magpalaya--
gilitan ng leeg
silang ganid at nagsasamantala.
Lunes, Setyembre 20, 2010
Alon
Ang mga alon sa dagat ay tulad ng masa.
Sa payapang panahon,
tahimik silang nakamasid sa langit
tahimik na nakatitig sa tirik na araw
at malayang nananalamin sa pisngi ng buwan
at mga bituin tuwing gabi.
Kinikilala nila ang kalawakan
at ang mga pahiwatig ng pagkakataon.
Sa isang butil ng itim na ulap
ganap na nilang nauunawa
ang paparating na ligalig.
At sa panahon ng ligalig,
kung may sigwang nagbabanta't ang hangin
ay ubos awa't walang malasakit
na humahalay sa kanilang kabuuan,
kung ang mga alulong ng kulog
ang hiwa ng kidlat ay hudyat ng digmaan,
handa silang maghimagsik
may tapang silang maglakbay sa iba pang panig
at larangan
buong-lakas silang makikipagbuno sa mga baybayin
magpapataob ng mga bangka
at magtitibag ng naglalakihang mga bato
na sagwil sa kalayaan nilang umigpaw
at makipagniig sa mala-gintong buhanginan.
Alam ng mga alon ang mukha ng digma.
Tulad ng masa ang mga alon.
Sa payapang panahon,
tahimik silang nakamasid sa langit
tahimik na nakatitig sa tirik na araw
at malayang nananalamin sa pisngi ng buwan
at mga bituin tuwing gabi.
Kinikilala nila ang kalawakan
at ang mga pahiwatig ng pagkakataon.
Sa isang butil ng itim na ulap
ganap na nilang nauunawa
ang paparating na ligalig.
At sa panahon ng ligalig,
kung may sigwang nagbabanta't ang hangin
ay ubos awa't walang malasakit
na humahalay sa kanilang kabuuan,
kung ang mga alulong ng kulog
ang hiwa ng kidlat ay hudyat ng digmaan,
handa silang maghimagsik
may tapang silang maglakbay sa iba pang panig
at larangan
buong-lakas silang makikipagbuno sa mga baybayin
magpapataob ng mga bangka
at magtitibag ng naglalakihang mga bato
na sagwil sa kalayaan nilang umigpaw
at makipagniig sa mala-gintong buhanginan.
Alam ng mga alon ang mukha ng digma.
Tulad ng masa ang mga alon.
Martes, Agosto 10, 2010
Karit
I.
hinahasa kita
karit
nang sa gayo'y mahusay
mong magampanan
ang pagtabas ng palay
na habambuhay mo
nang dinidilaan
hinahalikan ang kabuuan
at siya namang aking hininga
pag-asa ng anak ko't asawa
hinahasa kita
umaga at gabi
hanggang sa makita ko
sa makinang mong katawan
karit
ang pagbangon ng nakasisilaw
na araw
at pagtitig ng buwan
sa hindi matapos na karimlan
hinahasa kita
upang ang hugis-ngiti mong katawan
ay magalang
na babati kaninuman
magpapaalaalang ika'y ginawa
karit
upang maging katuwang
ng katulad kong sabi nila'y mangmang
hinahasa kita
nang hindi ka pumurol
pupunasan ng langis
pupunasan ng bangis
pupunasan ng tangis
pupunasan ng tiis
nang layuan ka ng kalawang
kalawang na tila buwitreng gutom
na nag-aabang
sa iyo
karit
at babalutan kita
ng katsa
at itatabi, itatago
sa kasuluksulukan ng aking kubo
inilalayo kita sa kalawang
hinahasa kita
karit
umaga at gabi
lagi't lagi
sapagka't ikaw
ay kaluluwa ko
ikaw, ang mga palay
at ako, tayo'y buklod
ng sikap at pawis
ng tibay at kinang
ng pagmamahal
II.
(ang lupain, ang palayan
kinamkam, inagaw, ninakaw
kamakailan
ng asenderong walang pakialam
at hindi talaga magkakaroon
kailanman
ng pakialam
sa atin
sa mga tulad natin
huwag kang mababahala
kung iniisip mong mawawala
ang saysay mo
hindi kita hahayaang lamunin
ng mga kalawang)
hinahasa kita
karit
hahasain pa rin kita
sapagka't mula ngayo'y hindi na damo
hindi na ang palay na nawalay
ang didilaan at hahalikan mo
maghanda ka, alam kong handa ka
sapagka't mula ngayo'y
mga leeg na nasasabitan
ng mga gintong kuwintas
mga braso at pulsong naboborloloyan
ng mamahaling relo't pulseras
mga balikat na nalalapatan ng mamahaling polo
mga hita at binting yakap ng mamahaling pantalon
mga taingang kinakapitan ng kumikinang na hikaw
mga daliring nakabilanggo sa pilaking mga singsing
mga ulong kinalalagyan ng utak na ganid at mukhang
nakasusuklam
ng mga asendero't panginoon
ang didilaan, hahalikan mo
silang kinakalawang ang bukas natin
ang bago nating simulain
gahasain mo sila
hinahasa kita
karit
nang sa gayo'y mahusay
mong magampanan
ang pagtabas ng palay
na habambuhay mo
nang dinidilaan
hinahalikan ang kabuuan
at siya namang aking hininga
pag-asa ng anak ko't asawa
hinahasa kita
umaga at gabi
hanggang sa makita ko
sa makinang mong katawan
karit
ang pagbangon ng nakasisilaw
na araw
at pagtitig ng buwan
sa hindi matapos na karimlan
hinahasa kita
upang ang hugis-ngiti mong katawan
ay magalang
na babati kaninuman
magpapaalaalang ika'y ginawa
karit
upang maging katuwang
ng katulad kong sabi nila'y mangmang
hinahasa kita
nang hindi ka pumurol
pupunasan ng langis
pupunasan ng bangis
pupunasan ng tangis
pupunasan ng tiis
nang layuan ka ng kalawang
kalawang na tila buwitreng gutom
na nag-aabang
sa iyo
karit
at babalutan kita
ng katsa
at itatabi, itatago
sa kasuluksulukan ng aking kubo
inilalayo kita sa kalawang
hinahasa kita
karit
umaga at gabi
lagi't lagi
sapagka't ikaw
ay kaluluwa ko
ikaw, ang mga palay
at ako, tayo'y buklod
ng sikap at pawis
ng tibay at kinang
ng pagmamahal
II.
(ang lupain, ang palayan
kinamkam, inagaw, ninakaw
kamakailan
ng asenderong walang pakialam
at hindi talaga magkakaroon
kailanman
ng pakialam
sa atin
sa mga tulad natin
huwag kang mababahala
kung iniisip mong mawawala
ang saysay mo
hindi kita hahayaang lamunin
ng mga kalawang)
hinahasa kita
karit
hahasain pa rin kita
sapagka't mula ngayo'y hindi na damo
hindi na ang palay na nawalay
ang didilaan at hahalikan mo
maghanda ka, alam kong handa ka
sapagka't mula ngayo'y
mga leeg na nasasabitan
ng mga gintong kuwintas
mga braso at pulsong naboborloloyan
ng mamahaling relo't pulseras
mga balikat na nalalapatan ng mamahaling polo
mga hita at binting yakap ng mamahaling pantalon
mga taingang kinakapitan ng kumikinang na hikaw
mga daliring nakabilanggo sa pilaking mga singsing
mga ulong kinalalagyan ng utak na ganid at mukhang
nakasusuklam
ng mga asendero't panginoon
ang didilaan, hahalikan mo
silang kinakalawang ang bukas natin
ang bago nating simulain
gahasain mo sila
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



