Huwebes, Agosto 4, 2011

Durog

may pinakamabibigat na sandaling
hindi sa balikat nakalapat
simbigat ng uniberso
simbigat ng iyong ulo
kapag ang alak ay parang multong
ayaw kang iwanan
walang talab ang kape
walang talab ang lahat
sa bigat na hindi
nakalapat sa balikat
ang bigat na nakalapat
sa dibdib
tagos
sa
ugat
para kang
langgam
na tatapakan
ng uniberso,
walang
pa
lag.