bakit ako ganito
at bakit ako nagkaganito...
mga tanong
at tanong lamang
sa dila
ng kahungkagan--
hindi mo kailanman makikilala
ang iyong sarili,
dahil lagi
at laging
ang ikaw
ay kinakawkaw
ng sumisibol na araw,
araw-
araw.
kay Jack
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Sabado, Setyembre 22, 2012
Cubao-Divisoria: Mga Guni-guni at Pagmumuni
umaangil ang bangibing palahaw ng mga ispiker
sa sagradong himpilan ng Kalayaan
sa kanto ng Anonas at Aurora Boulevard:
ika-apatnapung taon ng pag-aalaala sa paninikil
ng estadong dumildil ng dugo at pawis
sa mga sigwang nag-anyong liyab sa higit-
dekadang paninikil sa tinapay ng salita at pakikibaka:
sa basbas ng garalgal at talakay: nakamasid
ang reyalidad sa lansangan ng katuturan
...
paano gumuguhit ang gintong alak
sa matapat
na lalamunan ng mga kriminal
ng talinhaga?
halimbawa: ipinatong sa ibabaw? ng at nang?
karapatan... kasapatan? KATAGA?
...
pasumala ang mga salitang pumapailanlang:
hindi kahulugan ng kawalan--
may katuturan ang bawat hiningang tumutunghay
sa landas ng kasaysayan: masdan
ang obrerong himbing sa piling ng asawang tuliro
sa paghahanap ng kanin at ulam;
talakayin ang sikmura
ng nababagot sa botcha at pagpag; suriin
ang hiyaw ng sanidad
sa mga nangangalahig ng pag-asa
sa pusod ng Payatas;
iguhit sa langit ang kapalaran ng magsasakang
paltos ang paa at inaasam; sumpain ang habilin
ng kalangitan sa hinahamog na balakang
ng matandang hukluban
sa bansot na kariton--
sa bansot na kariton--
sampal sa burgis na humpay
ang pag-iral
sa loob ng Kalayaan
...
Ilang talang luma buhat sa talaarawan ng isang may nunal sa talampakan
Manila, My Manila
Mga Kuwento ng Supot sa Panahon ng Kalibugan
Gerilya
Patikim, Emotero
Mondo Marcos
Makata 4 ni Jose Corazon de Jesus
Tinig.com
Alexander Martin Remollino
Pia Montalban
Jack Dison Pablo
Macky Serrano Salvador
Rogelio Ordonez
TAPPM
BLKD
Escopa
Bayan-NCR
Dula
Tula
Arlam Camba
PUP
UP
FEU
Laguna
NCR
Koyang Jess
Escopa
Mcdo
MP
Kamanyang
Yosi
Yelo
Baso
NEVER AGAIN!
NEVER AND NEVER AGAIN!
...
sabi ni Nanik,
hindi naman talaga
masarap ang alak
kundi ang kuwentuhan--
ang pagkakataon at panahong
nagkasama at nagkasalo kayo
sa ligid ng alak at baso
...
bago humakbang ang mga talampakan sa unang baitang
ng oberpas
sa Cubao,
animo'y humalik sa lupa
si A,
mistulang paninikluhod sa kairalan ng mga hita at mga labi
ng mga dalaga/dinalaga at nagdalaga
sa malamig na bakal ng oberpas
at isinusumpa ni E ang pagpikit,
na tiyak
ay hudyat ng dire-diretsong
himlayan sa banig at panginip
ako:
humahabi ng hikbi
sa kabibi ng gabi
...
nasaan ang kalayaan sa kasalukuyan?
...
walang tula
sa dulo
ng aking ng aking
daliri
...
tuwid ang daan
ng Aurora Blvd, at malinis ang mukha
ng lansangan na inaawitan
at tinititigan ng dilaw na liwanag
ng mga poste
matang nakatitig:
pula
luntian
at kahel
na mga talukap
ng traffic lights
humuhugong ang paghihintay ng makina
sa lansangang ikinunukubli sa katwiran
silinyador ng pagbabakasakali
preno ng pagpupunyagi
ilan ang hiningang nagpapahiwatig sa dilim?
ma
bi
lis
ang
mga
pa
nga
rap
at
a
li
tun
tu
nin
sa kanto ng J. Figueras at Legarda,
nakatanod ang mga aso sa gitna
ng kalsada,
kinakalinga ng/ang gabi--mga kahol-
sumamo
sa naghihikab,
nahihimbing na Kamaynilaan
nakabantay ang mga barbedwire
sa kanto ng Mendiola at Recto
sa tapat ng UE,
babaing dumudumi, swak, sa isang asul na lata,
marahil ng gatas
at puwit na singkintab ng panalangin
at pananalig sa lantay
na deklarasyon ng karapatan
at tiwala
sa sanlibutan
mga pulis na nagmamanman sa magagatasan
Aranque'ng sandaling namaalam sa kahayupan
Divisoriang nilukob ng putik
at plastik
na mistulang pananim
sa parang
ng Recto
sa bahagi ng Tutuban patugpa
sa Ilaya at Pier Dos
...
mahabaging diyos
patawarin mo yaring manunula
...
anong saysay ng mga nabanggit?
...
sabi nila:
ang tula
ay mga mumunting katotohanan ukol
sa mga bagay-
bagay sa daigdig
...
saysay at wika?
...
ipikit ang kaluluwa at
magbubunyi ang mga suwail at halimaw
kaya't huwag,
huwag ipikit, ipiit ang kaluluwa
sa ganito at ganyan
doon at dito
dapat at dapat--
umiilanlang ang hiyaw ng sarili
...
ano ang tula?
Tulang Walang Pamagat Kung Hindi Para Sa Iyo
hindi naman ganoon katagal nang huling
tulaan kita, nang tulaan ko ang awitin
nating dalawa o nang minsan kong lapatan
ng mga salita ang bawat nating paghinga;
hindi naman singtagal ng pagtibok
ng kamao sa aking dibdib, o bibilangin pa
ang piraso ng hibla ng iyong pagkalambot-
lambot na buhok na hilig kong haplusin
sa tuwinang ika'y nahihimbing. ilang araw
na nga ba nang huli kong bigkasin
ang mga talinghaga, nang huli kong sigawan
ang isang blangkong pahina at pintahan
ng isa, dalawa, tatlo o milyong mga salitang
umiilanlang sa aking pagtitiwala
at pananalig sa magkatali nating mga daliri?
ilang araw na nga nang huli kitang ipinta
sa tula?
hindi naman ganoon katagal; hindi
kailanman makalilimutan ng aking mata
ang iyong mukha, at ang iyong ngiti
na literal na umaagaw ng atensyon at
literal na nagpapabukad ng mga bulaklak,
ng iba pang labi, tulad ng di ko malilimot
ang tula at mga tula para sa iyo; kung iisipin
nilang isa kang ngiti na hinulmahan ng pagkatao
at sinseridad, maniniwala ako. ilan na nga ba?
kung ikaw ang tatanungin ko, sakaling maisumbat
mo na libong mga araw na ang huli kong tula
para sa iyo, at ikalulungkot at ikaiinis mo.
marahil ay iniisip mo ang libong araw ng isanlibong
lambing na lagi namang para sa iyo,
hindi iyon tula o pwede mo na ring isipin
na iyon ay mga salita ng tula ko sa iyo. ilan na nga ba?
isang araw lamang ang natatandaan
kong sandali nang di kita matulaan. at
nakalimutan ko na iyon, tanda mo?
dahil ang araw na iyon ay ang bawat nakaraan
na walang tula, naroroon ang kawalan sa nakaraan.
at ang ngayon, mayroon ako. itinitiyak kong araw-araw
ay may tula sa aking daliri, para sa iyo. hindi man
mga salitang pinamulaklakan ng talinghaga
alam kong tula ang bawat kong paghinga, para sa iyo.
tulaan kita, nang tulaan ko ang awitin
nating dalawa o nang minsan kong lapatan
ng mga salita ang bawat nating paghinga;
hindi naman singtagal ng pagtibok
ng kamao sa aking dibdib, o bibilangin pa
ang piraso ng hibla ng iyong pagkalambot-
lambot na buhok na hilig kong haplusin
sa tuwinang ika'y nahihimbing. ilang araw
na nga ba nang huli kong bigkasin
ang mga talinghaga, nang huli kong sigawan
ang isang blangkong pahina at pintahan
ng isa, dalawa, tatlo o milyong mga salitang
umiilanlang sa aking pagtitiwala
at pananalig sa magkatali nating mga daliri?
ilang araw na nga nang huli kitang ipinta
sa tula?
hindi naman ganoon katagal; hindi
kailanman makalilimutan ng aking mata
ang iyong mukha, at ang iyong ngiti
na literal na umaagaw ng atensyon at
literal na nagpapabukad ng mga bulaklak,
ng iba pang labi, tulad ng di ko malilimot
ang tula at mga tula para sa iyo; kung iisipin
nilang isa kang ngiti na hinulmahan ng pagkatao
at sinseridad, maniniwala ako. ilan na nga ba?
kung ikaw ang tatanungin ko, sakaling maisumbat
mo na libong mga araw na ang huli kong tula
para sa iyo, at ikalulungkot at ikaiinis mo.
marahil ay iniisip mo ang libong araw ng isanlibong
lambing na lagi namang para sa iyo,
hindi iyon tula o pwede mo na ring isipin
na iyon ay mga salita ng tula ko sa iyo. ilan na nga ba?
isang araw lamang ang natatandaan
kong sandali nang di kita matulaan. at
nakalimutan ko na iyon, tanda mo?
dahil ang araw na iyon ay ang bawat nakaraan
na walang tula, naroroon ang kawalan sa nakaraan.
at ang ngayon, mayroon ako. itinitiyak kong araw-araw
ay may tula sa aking daliri, para sa iyo. hindi man
mga salitang pinamulaklakan ng talinghaga
alam kong tula ang bawat kong paghinga, para sa iyo.
Alas-onse Ng Gabi Habang Naghihintay Ng Dyipni Sa Kahabaan Ng McArthur Hiway, Malinta
humalik ang mga palad sa tainga
nang gumuhit ang ugat ng kidlat
sa kalangitan,
sumunod ang lagunlong ng kulog:
mga paang napatalon at nagtampo
ang tubig sa dinidilaang semento
--kumislot, nanginig, kumandirit...
nakatitig ang posteng-ilaw sa butil
ng ulan: milyong mga tuldok sa
dilim ng gabi,
walang anino ng ulap ang karimlan
ng langit, maliban sa galit na ihip
ng hangin sa bawat nitong sumpungan...
kinakain ng rayuma ang tuhod
ng matandang walang payong bagkus
ay kartong nilulusaw ng ulan,
maliliit na hakbang patungo sa kawalan,
kamatayan ang himbing niyang pahinga
sa tapat ng silong
ng abadonadong kalungkutan, pag-iisa.
nang gumuhit ang ugat ng kidlat
sa kalangitan,
sumunod ang lagunlong ng kulog:
mga paang napatalon at nagtampo
ang tubig sa dinidilaang semento
--kumislot, nanginig, kumandirit...
nakatitig ang posteng-ilaw sa butil
ng ulan: milyong mga tuldok sa
dilim ng gabi,
walang anino ng ulap ang karimlan
ng langit, maliban sa galit na ihip
ng hangin sa bawat nitong sumpungan...
kinakain ng rayuma ang tuhod
ng matandang walang payong bagkus
ay kartong nilulusaw ng ulan,
maliliit na hakbang patungo sa kawalan,
kamatayan ang himbing niyang pahinga
sa tapat ng silong
ng abadonadong kalungkutan, pag-iisa.
Hubo O Ang Hangal Na Pamamanata Sa Mga Rebultong Garing Na Kinatas Sa Pangil Ng Naghihingalong Elepante
daan-daang mga taon kahangalang paninikluhod
sa mga rebultong ninakaw
sa tadyang ng narra at akasya
sa mabubulas na punongkahoy
sa pangil
ng elepanteng tonelada
mang tumindig
ay pabubulagtain ng mga punglong hinulma
ng hangal na pananampalataya
inukit sa ngalan ng pananalig
sa tinitingalang langit
sampal sa kalikasang
tinakasan ninakawan ng dangal
at respetong inangkin
ng atrasadong pag-unlad
ng utak at puso
Monsignor Cristobal Garcia
sa ngalan ng iyong kabanal-banalang pananampalataya
kaawaan ka nawa patawarin ka nawa
ng mga elepanteng malao'y sa larawan
na lamang makikilala ng iyong kaapu-apuhan
sa bisa ng baluktot mong kairalan
baliw na propesiya ng uhaw mong kamay
sa kinis ng Sto.
Niñong garing
iligtas ka nawa sa talim ng apoy
ng impyerno mong pagsamba
sa perlas at dyamante ng kabaliwan
kaawaan nawa iligtas nawa
ang mga tulad mo
ang mga tulad ninyong uhaw
sa karangyaan at tubong
kinakatas kinakabyaw
sa kalikasan
nang walang patumanggang nilalaslas ginugutay
ginagahasa nang walang anumang pananalamin
sa kaluluwa at sarili
patawarin nawa patawarin nawa
kayong namamanata sa kabaliwan
ang moralidad ng inyong mga rebulto
ay imoralidad ng aming pagkatanto
gaano man natin ilapat sa salita ng Banal na Kasulatan
gaano man natin ungkatin sa dila ng diyos Diyos
umiyak man ng dugo ang mga inukit
maghimala man ang singit ng langit
magulo man ang pagkakapinta ng tama at mali noon
at ngayon
ideklara man ng kasaysayan ang saysay ng mga salaysay
at angkinin
ng mga rebultong manhid ang kaligtasan
ipahid man ang burdang panyo
sa paa ng mahabagin
manalangin man din sa lampin ng hangin
magkurus man ang landas ng mga dahas at bigkas
magkakasundo ang lahat
langit at lupa maging ang kailaliman
ng sarili at uniberso ng isip
wala sa akin, wala sa iyo, sa kanila, sa kanya
wala sa pangil ng daan-daang elepante wala sa narra at akasya
ang katubusan
ng bawat nating kaluluwa
ng bawat nating pag-iral
wala,
Monsignor Cristobal Garcia
et
al.
(tulang nalikha matapos mabasa ang artikulo ni Bryan Christy na Ivory Worship)
Tula Para Sa Mga Taong Kauna-unawang Masyadong Abala Upang Magbasa Ng Tula
Kalma lang. Hindi ito magtatagal.
Magkagayunman, o kung ang mga linya’y
ikaaantok mo o iinipin ka,
sige at matulog ka, buksan
mo ang telebisyon, maglaro ng baraha.
Ang tulang ito’y nalikha upang mapagtiisan
ang mga iyan. Ang damdamin nito’y
hindi makasasakit. Umiiral iyon
kunsaan man sa makata,
at oo, ako’y malayo.
Pitasin mo ito anumang oras. Umpisahan
sa kalagitnaan kung iyong gusto.
Malalapitan mo ito tulad ng melodrama,
at makapag-aalok ng dahas
kung dahas ang iyong kailangan. Tingnan mo,
may lalaki sa bangketa;
kung paanong mangatal ang kaniyang hita’y
aakalain mong hindi na siya magiging katulad ng dati.
Tula mo ito
at alam kong abala ka sa opisina
o ang mga bata ang huli mong nasasaisip.
Maaaring hindutan ang lagi mong hanap.
Kunsabagay, nakahilata sila,
nakabalumbon sa higaan
tulad ng mga amerkanang di-nakabutones sa mga salu-salo,
naghihintay sa mga lasing na kamay upang tanganin sila.
Tingin ko’y ayaw mo na akong magpatuloy;
lahat ay may inaasahan, ngunit ito’y
tula para sa buong pamilya.
Ngayon, tumatagas
ang San Miguel Pilsen sa talon,
sumisitsit ang mga tawas sa loob ng kili-kili
ng mga taong katulad mo,
at ang dalawang magkaulayaw ay nagbibihis na ngayon,
nagpapahimakas sa isa’t isa.
Hindi ko alam kung anong musika
ang kalalabasan ng tulang ito, bagama’t malinaw
na kailangan nito. Sapagka’t maliwanag
na hindi na nila muling makikita ang isa’t isa
at kailangan natin ng musika para rito
dahil walang musika nang iwanan ka niyang
nag-iisa sa sulok.
Nakikita mo, ninanais kong maging mas maganda
ang tulang ito kaysa sa buhay. Gusto kong tingnan mo ito
kapag nagpaliku-liko ang ligalig sa iyong sikmura
at ang huling pampakalma’y wala nang talab
Narito lang ako ‘pag kailangan mo ako
tulad ng himig sa loob ng kabibe.
Iyan ang sinasabi sa iyo ng tula ngayon.
Ngunit huwag kang magbibigay ng anuman sa tulang ito.
Wala itong masyadong inaasahan. Wala itong sasabihin pa
bukod sa maipapaliwanag ng pakikinig.
Basta’t itago mo na lamang ito sa iyong pitaka
o sa iyong bahay. At kung di ka pa nakatutulog
sa ngayon, o naiinip lampas sa kahulugan ng pagkainip,
gusto kang patawanin ng tula. Tawanan mo
ang iyong sarili, tawanan mo ang tulang ito, ang lahat ng tula.
Tara:
Magaling. Sa ngayon, ito ang magagawa ng tula.
Isipin mong isa kang uod.
Mayroon kang kakila-kilabot na kislot at, pagdaka,
ika’y naging pagkarikit-rikit habang ika’y nabubuhay.
(malayang salin/halaw ng tulang Poem For People That Are Understandably Too Busy To Read Poetry ni Stephen Dunn )
Magkagayunman, o kung ang mga linya’y
ikaaantok mo o iinipin ka,
sige at matulog ka, buksan
mo ang telebisyon, maglaro ng baraha.
Ang tulang ito’y nalikha upang mapagtiisan
ang mga iyan. Ang damdamin nito’y
hindi makasasakit. Umiiral iyon
kunsaan man sa makata,
at oo, ako’y malayo.
Pitasin mo ito anumang oras. Umpisahan
sa kalagitnaan kung iyong gusto.
Malalapitan mo ito tulad ng melodrama,
at makapag-aalok ng dahas
kung dahas ang iyong kailangan. Tingnan mo,
may lalaki sa bangketa;
kung paanong mangatal ang kaniyang hita’y
aakalain mong hindi na siya magiging katulad ng dati.
Tula mo ito
at alam kong abala ka sa opisina
o ang mga bata ang huli mong nasasaisip.
Maaaring hindutan ang lagi mong hanap.
Kunsabagay, nakahilata sila,
nakabalumbon sa higaan
tulad ng mga amerkanang di-nakabutones sa mga salu-salo,
naghihintay sa mga lasing na kamay upang tanganin sila.
Tingin ko’y ayaw mo na akong magpatuloy;
lahat ay may inaasahan, ngunit ito’y
tula para sa buong pamilya.
Ngayon, tumatagas
ang San Miguel Pilsen sa talon,
sumisitsit ang mga tawas sa loob ng kili-kili
ng mga taong katulad mo,
at ang dalawang magkaulayaw ay nagbibihis na ngayon,
nagpapahimakas sa isa’t isa.
Hindi ko alam kung anong musika
ang kalalabasan ng tulang ito, bagama’t malinaw
na kailangan nito. Sapagka’t maliwanag
na hindi na nila muling makikita ang isa’t isa
at kailangan natin ng musika para rito
dahil walang musika nang iwanan ka niyang
nag-iisa sa sulok.
Nakikita mo, ninanais kong maging mas maganda
ang tulang ito kaysa sa buhay. Gusto kong tingnan mo ito
kapag nagpaliku-liko ang ligalig sa iyong sikmura
at ang huling pampakalma’y wala nang talab
Narito lang ako ‘pag kailangan mo ako
tulad ng himig sa loob ng kabibe.
Iyan ang sinasabi sa iyo ng tula ngayon.
Ngunit huwag kang magbibigay ng anuman sa tulang ito.
Wala itong masyadong inaasahan. Wala itong sasabihin pa
bukod sa maipapaliwanag ng pakikinig.
Basta’t itago mo na lamang ito sa iyong pitaka
o sa iyong bahay. At kung di ka pa nakatutulog
sa ngayon, o naiinip lampas sa kahulugan ng pagkainip,
gusto kang patawanin ng tula. Tawanan mo
ang iyong sarili, tawanan mo ang tulang ito, ang lahat ng tula.
Tara:
Magaling. Sa ngayon, ito ang magagawa ng tula.
Isipin mong isa kang uod.
Mayroon kang kakila-kilabot na kislot at, pagdaka,
ika’y naging pagkarikit-rikit habang ika’y nabubuhay.
(malayang salin/halaw ng tulang Poem For People That Are Understandably Too Busy To Read Poetry ni Stephen Dunn )
Ang Pulitika Ng Pag-ibig Sang-ayon Sa Pagmamasid Sa Kalye Camba
kapayapaan ang alak sa kanyang ugat
na di maiwaksi ng iyong pag-aalaala,
at pagmamasid habang nagkakalansingan
ang mga basong pawisan
at nilalanguyan
ng pumapanaw na yelo
sa kahubdan ng gintong alak
sa tiyan nito. anumang mga sabi-sabi
sa kanya'y tinatabunan mo ng pag-asa,
ng pananalig at tiwala.
ganito at ganyan.
lalagi't lalaging ganito at ganyan
ang paggiling ng bawat tagpong
itinutumba ang mga boteng inigpawan
ng kaluluwa: ang kanyang kapayapaan,
ang deklaradong manipesto ng kaniyang
sarili.
ganyan at ganito.
mananatili
ang pagsamba sa nagbuklod ninyong
hininga: ang nagtaling katiyakang idinikta
ng inyong mga kawalan,
kahinaan
at kalakasan,
anuman ang ihain
ng paligid.
lalagi't laging isinasandig ang bawat
ninyong daigdig
sa didbdib ng isa't isa: ano't anuman--
dakila ang tapat mong pag-unawa
sa piyudal niyang gawi at salita.
dakila ang kaniyang pagtataguyod
sa payak ninyong silong.
anong bulong ng kalungkutan
ang dapat pang pakinggan?
wala na marahil, maliban sa uha
ng mumunting labi
sa malalalim ninyong gabi,
na nagmistulang pangarap
ng kasalukuyan.
ano't anuman,
ito ang pulitika ng inyong pag-ibig.
ang pulitika ng inyong pag-ibig.
sa mga Bebemon
Tulalang Tula O Ang Kamusmusang Tagtag Sa Alinlangang Maaaring Ilang Buwan Lamang Ang Itatagal Ng Kaniyang Pag-iral
nakatatakot: paano kung
biglang
maputol ang ulo ng sanggol na katabi ko
ngayon sa maalinsangang kahon
ng dyip?
itong sanggol na matangos ang ilong
singkit ang matang kinukumutan
ng kamusmusan, labing singnipis
ng alinlangan sa kinabukasang
walang kasiguruhan--
paano kung walang anu-ano'y gumulong
ang mumunti nitong ulo
sa pagitan ng mga paang
nagsisiksikan,
mga paang putikan, mga paang walang patutunguhan
at walang uuwian
sa loob ng lumang dyip: kakarag-karag
na bulto ng kalawanging bakal
na biyaheng Herbosa-Divisoria?
ganitong ang kalsada'y inagawan
ng kapatagan
at mga multong nagkakalat
ang bako at butas, kanal na masangsang,
humps at mga batang nagsusulputan
sa kunsaang sulok ng lansangang tiwalag
sa pag-unlad?
paano ko ihihimpil ang bagabag sa pagtitiwalang
walang anumang mangyayari
sa sanggol na itong karga
ng inang maugat ang maliit na kamay?
sabihin mo sa akin
saan ko hahanapin ang kasagutan
sa walang-katiyakang
buhay ng mga ordinaryong hiningang
nakasasalamuha ng mapagmasid kong
mata? kailan
lilisan sa aking paningin
ang lumot ng pangamba
sa kanilang tiwakal na pag-iral?
paano, aking tula
kung ika'y salita
la
mang?
Labing-isang Taon Matapos Ang Pagguho Ng W.T.C. At Lumalangoy Sa Langis At Buhangin Ang Ilusyunadong Bald Eagle
sang-ayon sa kanila,
huminto daw ang daigdig
nang saksakin ng dalawang
eroplanong kinamkam
ng mga Taliban: ang American Airlines Flight 11
at United Airlines Flight 175
ang tadyang
at puyo
ng kambal na tore ng
World Trade Center
sa siyudad ng malaking mansanas
sa pulo't gatas
na lupain ng Estados Unidos--ika-11 ng Setyembre
dalawang libo't isa
anuman ang mga hakahaka, kurokuro at guniguning
nagsisibol matapos ang malagim na kapalaran
ng matitindig na gusaling lumamon
sa halos 3,000 sibilyan
ititiyak ko: hindi kailanman huminto ang daigdig
ng Estados Unidos
ng White House
ng West Point
paano hihinto ang daigdig kung ang makinarya
ng pang-aalipi'y iginigiya ng mga walang saysay
na digmaan
sa pagitan ng Agila at buhangin
Agila at hangin?
walang daigdig ang digmaan,
walang daigdig ang dolyar bagkus ay isang
mapusyaw na pangarap lamang:
isang bayang naglulunoy sa ilusyon
ng paghahari-
harian
sa kung alinmang bayang ninais
na dustahin at gatasan, guni-guning tumahak
sa mga siglo ng kasaysayan:
Philippines 1890s
Korea and China 1950-53
Guatemala 1954
Indonesia 1958
Cuba 1959-1961
Guatemala 1960
Congo 1964
Laos 1964-73
Vietnam 1961-73
Cambodia 1969-70
Guatemala 1967-69
Grenada 1983
Lebanon 1983, 1984
Libya 1986
El Salvador 1980s
Nicaragua 1980s
Iran 1987
Panama 1989
Iraq 1991
Kuwait 1991
Somalia 1993
Bosnia 1994, 1995
Sudan 1998
Afghanistan 1998
Yugoslavia 1999
Yemen 2002
Iraq 1991-2003
Iraq 2003-2005
Afghanistan 2001-05
Pakistan, 2002-2003 ...
nasaan ang daigdig na gumigiling sa panambitan
at panawagan?
sa mga biktimang lagi at laging
biktima lamang naroroon, kanila
ang daigdig
sila ang daigdig
ngunit iyon ay di humihinto kailanman
pagkat binabaybay, lumalaon lumalalim
tumitindi,
ng kanilang pananangis at himagsik
ang laya at hustisya ang tinapay ng lantay
na demokrasya at rebolusyon
hindi pag-aari ng iilan ang daigdig
hindi ito hihinto
sang-ayon sa kanilang
hakahaka, guniguni at ilusyon
Silip
sa ulan ko hinahanap
ang nagbigkis nating hininga.
sumilip ka sa labas ng iyong bintana,
may hangin na sa iyo'y babati.
ako iyon,
aking tinatangi.
ang nagbigkis nating hininga.
sumilip ka sa labas ng iyong bintana,
may hangin na sa iyo'y babati.
ako iyon,
aking tinatangi.
Kasi Nga'y Kaparis Ng Apoy Ang Paniniwala Kong Matutupok Ang Lahat Nang Di Inaasahan
ang tansong monumento ni Bonifacio sa bungad
ng Tutuban Center Mall
ay ang tiyak din na lugar
kung saan dating nakatirik
ang kanilang bahay
bago ito sakupin ng Ferrocaril
at lapatan ng sala-salabat
na riles na bumutas
sa mga lansangan ng Maynila
at kalakhan ng Luzon.
1891 nang pasimulan ang biyaheng Manila-Dagupan,
na lalong nagpasibong sa kasaysayan
ng Divisoria,
ng Binondo,
ng Tondo.
…
mahaba ang kasaysayang sinasakop ng lugar na ito,
ang Tu tuba n,
na hinango sa salitang
Tuba.
mga ilang metro matutunton
mo ang tiyak ding lunan
kung saan itinatag ang Kataas-taasang
Kagalang-galangang
Katipunan
ng mga Anak ng Bayan,
ang bahay sa 72 Calle Azcarraga.
…
kasalukuyang nagbubunyi ang apoy sa gusaling Cluster,
at ako, bilang saksi lamang sa pagkakatupok ng bubong
at pangingitim ng pinturadong
mga pader at haligi,
ay saksi at saksi lamang.
higit isang araw ng pagbubunyi,
saan nga ba nagsimula
ang titis? sino
at paano?
…
may mga sabi-sabing sinadya ito.
…
kumpetensiya ng nagyayabangang mga gusali
ng kalakal
na nagsulputan sa tadyang ng Divisoria,
ng Binondo:
168
at 999,
Meisic Mall
at Lucky Chinatown,
mga higanteng kapital na kumitil
sa hininga
ng maliliit na puhunan ng maliliit
na paninda ng maliliit na tao
sa mga bangketa ng Recto at Ilaya,
ng Padre Rada
at San Nicolas,
taktikang kapitalista na ipinakilala
ng SM
at Robinson,
at Trinoma,
at Gateway,
na taktikang kapitalistang ipinakilala
ng kanluraning salaula sa dignidad ng tao
at paligid,
dalawang higanteng kumpanyang
pumatay
sa Abenida Rizal
at Escolta,
sa Dewey Boulevard
at Luneta.
…
bumaha ang mga miron,
nagsiritan ang mga tubig,
umalagwa sa himapapwid ang sirena
ng nagmamadaling firetruck,
sumayaw ang apoy sa bawat palapag,
nagsulputan ang mga alipato sa tuktok
ng naghihingalong bubong,
sing-itim ng burak
ang nag-uling na kisame,
nakababahala ang pagkabasag ng mga
jalousie na animo’y pagguhit ng kulog
sa langit na nabaog sa ulan,
impyerno
sa aking mga mata
ang pagdila ng apoy
sa lahat-lahat nitong maabot.
…
naikuwento ni Nanay:
dati na rin kaming nasunugan
noong sa Parola compound
pa sila naninirahan ni Tatay:
bagong mag-asawa
na agad sinampolan ng bangis
ng mapanlansi, higanteng apoy.
nasa sinapupunan ako ni nanay
nang mangyari iyon, sabi niya.
naalaala niyang hawak niya ang pakwan
niyang tiyan, na ako ang laman,
at naiwanan niya ang kaniyang sinelas
sa pagmamadaling iligtas
ang sarili
at ang ilang gamit:
isang nakatatakot na simula
para sa nagsisimulang pamilya.
…
sa apoy sumibol
ang utak ng tao.
…
kung may utak lamang
ang apoy,
marinig niya nawa
ang lungkot sa aking dibdib--
ang naglalahong kasaysayang
lumulukot
sa aking pananalig,
sa aking kabataan
sa paligid ng Tutuban.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)