"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Martes, Agosto 28, 2012
Tula Sa Unang Taon Ng Ating Katiyakan
natatandaan mo ba,
ang araw na iyong
nangingimi pa akong hawakan
ang iyong kamay
habang masinsin ang patak ng ulan
sa inako nating liwasan
sa pusod ng nanunuot na lamig ng gabi;
nang ilangkap natin sa sandali
ang anumang maaring mangyari
sa puntong iyon ng ating pagbabakasali
na baka ikaw at ako
o baka hanggang doon lamang
ang tiyak sa ating umpisa
o baka iyon ay simula lamang
ng panunukat sa ating mga layunin?
natatandaan mo ba,
nang ipagbawal mo ang pag-usal
ng wikang hindi maikakarsel sa dibdib
at ako ang pangahas na lumabag
habang tumatawid tayo
sa lansangang kilala mo
at kilala ko na rin ngayon;
nang maaninag natin ang kislap
sa pagitan ng ating mga pagkakaiba,
nang ibigkis natin ang pagkakatulad
ng ating mga hangarin at panlasa?
natatandaan mo ba,
nang paglaruan natin ang katahimikan
at sakyan ang luho ng mga hiningang
umaawit sa dilim?
iyon ang unang pagkakataong sumapi
tayo sa walang ngalang pananalig
sa idinidikta ng mga pintig at bisig,
na ngayo'y paraiso ng ating mga ngiti
bawat pagtatangka at pagwawagi.
natatandaan mo ba,
ang maraming kunot-noo at daplis-daplisang
saksak ng mga alinlangan at kurot
ng mga luhang ibinadya ng takot at pangamba
nang ipinipilit ng paligid ang hindi
marapat para sa ating dalawa?
hindi tayo kailanman bumitiw.
hindi tayo bumitiw kailanman.
hindi tayo kailanman bibitiw.
hindi tayo bibitiw kailanman.
natatandaan mo ba,
tatlong daan at animnapu't limang umaga
at gabi mula noon, umaalab, mas masidhi
ang katiyakang laging may bukas
para sa ating dalawa
sa piling ng isa't isa.
Kulang-kulang
malamya ang lahat sa sandaling ito
walang ragasang hangin na nagpapasayaw
sa tuyot-na-dahon na tantiya ko'y malapit
nang humalik sa lupa; kalawanging dahon
na namaluktot sa pagkakatuyo.
kahulugan: pamamaalam.
patay ang paligid tulad ng pusang nasagasaan
sa kanto: matang pinitpit ng gulong, utak
na sumambulat, nabaling buto, lamog na laman
at atay na nagpapaalala sa mga saksi't
nakakasasaksi sa kanyang hantungan
ng kanila ring hantungan, di man sa ganoong paraan,
ay kamatayan at kamatayan lamang.
nakamata ang mga pader na mistulang diyos
ng paligid; sumisinghal ang mga bitak
singlalim ng unibersong pinanawan ng bituin
ang dilim na naglalagi rito.
anong dapat nating mabatid sa sandaling
itong malamya ang tibok ng mga hininga?
marahil, kailangan nating maglimi
pagkat kulang ang buhay sa paligid,
kulang na kulang.

Katapusan Ng Mahaba-haba Ring Paglalakbay Sa Kawalan
tatawagin kong katapusan ang gabing ito.
katapusang walang inaasahang bukas
o pag-asa man na lagi nang kadaupang-palad.
walang susunod na salita.
walang susunod na pangungusap.
walang susunod na talata.
walang nang susunod pa
maliban sa isang tuldok
na mag-isa kong ilalagak
sa sarili niyang espasyo
ng pagsasarili,
na malungkot kong iiiwan
ngayong gabi
itong gabing itinakda kong katapusan
ng lahat-lahat, ng lahat-lahat.

Sabay Tayong Managinip
sabay tayong managinip
sabay nating hawiin
ang mga alinlangan
sa ating paglalakbay
sabay tayong managinip
ng kawalang-hanggan
sabay nating hawiin
ang mga alinlangan
sa ating paglalakbay
sabay tayong managinip
ng kawalang-hanggan
Meta
minsan, sinasaklob na lamang tayo
ng malamig na katahimikan
matapos pintahan ng halakhak
ang paligid
katahimikan itong nanunuot sa buto
at bumabasag ng liwanag
na nagmamanman sa atin,
pakikiramdaman natin ang isa't isa
aalamin ang dahilan sa likod ng piping
sandali
magugulat sa pakay nitong maghapag
ng testamento:
na kailangan natin ito, itong katahimikang
naglilingkis sa hindi natin mahawakan,
dahil nag-uusap
ang ating mga kaluluwa.

Kalihim
hindi mo hinihingi ang labingsiyam na putok ng baril
ngunit naglaan pa rin sila ng pulbura para ipabatid
ang pag-alaala sa iyong malagim na hantungan
(marahil ay tanda lamang ng kalabit ng konsensiya)
gayong ang kaganapan ng iyong panunungkula'y
nakasabit sa mabagal na usad ng hungkag na sistema
at naging abala sila sa pag-alaala sa iyong paglalakbay
bilang lingkod-bayan, bilang asawa, bilang ama
kinalampag ng iyong kamatayan ang hininga
ng mga eroplanong beterano sa himpapawid
mapait isiping ang ngalan ng karangalang iginawad
sa iyong balikat ay siya ring hudyat ng iyong pamamaalam
nasaan ang mga uwak nang baybayin mo ang langit?
ano ang kuwento sa likod ng mga hinala at guni-guni?
anong mga lihim ang itinatago ng sahig ng dagat, kalihim?
*elehiya para kay Sec. Jesse Robredo at sa dalawa
pang nasawing piloto

Obersis
taun-taon
libu-libong
bayani
ang lumilipad
palayo
sa anak
asawa
ina at ama
kapatid
taun-taon
daan-daang
bayani
ang umuuwing
nabaliw
nabalian
na-onse
nakakahon
paulit-ulit,
mga bayani
silang
suki ng
Maalaala Mo Kaya
libu-libong
bayani
ang lumilipad
palayo
sa anak
asawa
ina at ama
kapatid
taun-taon
daan-daang
bayani
ang umuuwing
nabaliw
nabalian
na-onse
nakakahon
paulit-ulit,
mga bayani
silang
suki ng
Maalaala Mo Kaya
Minsan Sa Monumento May Aleng Nagkuwento Ng Kaniyang Adbentyur
isang hapon, sa bituka ng Monumento,
habang sumasayaw ang ispageti
sa puting plato at nagbabanggaan
ang kuwadradong mga yelong
lumulutang sa maitim na sopdrinks at
naglalakbay ang pawis sa aking
noo patunton sa lamesang makutim,
habang nakalingkis sa ngiti
at nakatunghay pag-ibig ng katabing sinta
ang aking ulirat
anong gulat ang biglang-bungad
ng aleng hapit ang blusang kupasin,
anong gitla ang pagbubuklat niya
ng maselang himaymay
ng eskuwalado niyang buhay
kung anong nagtulak sa kanya
para ilagak sa amin ang tiwalang
ikuwento ang labu-labong kuwento
ng kaniyang buhay na natatabingan
ng kaniyang bunging-bungisngis
ay di ko na uungkatin.
ang kuwento:
siya'y kabit, querida, panggulo;
umangkas sa libog ng lalaking
sabi nga niya'y guwapo-may-itsura-
may-kalakihan-ang-katawan-at-medyo
maputi pero lagas na ang gulang,
lalaking trabahador sa pabrika;
isang muslim, islamikong paniniwala
isa dalawa tatlo etseterang asawa;
hindi na niya isinalaysay ang kuwento
ng kanilang pagkakakilala
pagkat namumutiktik na sa Putangina
at Pakyu at Imisu at Tangina ang palitan
nila ng text na ako ang encoder at sender
dili nga't ag matandang babae na
nagsisiwalat ng buhay ay matandang babaing
di marunong mag-text na nagtatrabaho
bilang helper sa isang kantina sa gawing BBB
at nasampolan din ng bangis ng habagat
noong nakaraang linggo kaya't heto
nakikisuyo;
gusto pala niyang hulihin ang lalaki,
na may asawa na'y may kabit pa at may kabit
pa--napanood mo na ba iyong Inception?--
gusto niyang itiyak ang kaniyang karapatan
bilang kabit at gusto niyang makatanggap
ng sapat na pera mula sa lalaking mahilig
dahil kailangan niya ng pandagdag sa limos
niyang kinikita; bagamat ang lalaki'y mabangis
at ika nga niya'y baka mamugot daw ng ulo
o baka bigla na lang siyang pagsasasaksakin
dahil nga't muslim daw ito at sabi kasi ng kapitbahay
niya, ganoon daw ang mga muslim;
at nang magreply ang lalaki: umuwi kn at miss n kta.
d2 na aq bhay at pr makaisa p taung round. lab yu.
pina-reply niya sa akin ang: gago kb? bkit anjan kn
alm m namn ang kitaan natin. ayos a?
at nagka-Putanginahan na at ninerbiyos na si
ale nang bantaang pupunitin ang mga damit niya
at iiwan ang bahay na nakabukas at baka wala na
siyang mabalikan at so on and so forth;
agad na siyang nagpulbo at nagpasalamat
at pinabaunan namin siya ng paalaalang mag-ingat;
at oo, may anak pala siya sa nueva ecija
wala siyang kontak dahil binura ng kinakasamang
lalaking mahilig sa dyombagan at kaplogan
ang numero nito sa kaniyang selpon
iniwan niya kaming nakanganga
sa magulong kuwento;
at ako
na nagtatanong sa aking sarili,
hinahanap ang aninong ninakaw ng dumidilim
na paligid,
hinahanap ko hanggang pag-uwi
ang kaniyang bungisngis
sa alikabok na binulahaw
ng rumatsadang dyip.

Le Jardin
ipagdidiinan ko, hindi kayo
hindi kayo ang dapat makulong at
palawayan ng dagitab sa katawang
pinasisigla ng kabataang gulang
hindi kayo ang masasama;
ang dapat kalusin sa lipunang ito'y
matagal nang nagtatago sa likod
ng sutlaing barong at kuwartong
magiginaw sa bantay-saradong
subdibisyong ang mga pader ay
inuslian ng mga bubog ng mamahaling
boteng luntian-kalawangin-kristalyado
ihampas natin sa kanilang mga ulo
ang dapat nilang maunawa
na hindi kayo, hindi kayo at hindi kayo
ang masasamang dapat kalusin
at ikulong at pintahan ng kung anu-
anong kaso: direktang asunto at pagsuway,
paglaban sa otoridad, pagsira sa gamit
ng gobyerno at di pagtalima sa pag-aresto--
mga hulog ng mapagpalang panginoon
sa kaitaastasang luklukan ng mga dakilang
pinagpala ng kapital at pamumuhunan
kapitapitagang mamamaslang ng karapatan;
ipagdidiinan ko, sampu ng aking mga daliri
at tula at milyon pintig ng aking dibdib,
wala silang karapatang ipataw sa inyo
ang hindi karapat-dapat para sa inyo:
Joselito Lagon, Jr., Wyrlo Enero, Johny Boy
Urlina, John Michael Lim... kabataang
kawit-bisig laban sa karahasan ng estadong
mapaniil, ipagdiinan nating ang masasama'y
wala sa hanay ng nag-aalay ng tinapay
sa salat na hapag, ang masasama'y malamig
ang talampakang inaantok, masasamang
dapat kalusin sa lalo't madaling panahon
*PALAYAIN ANG LE JARDIN 4!
ISAKDAL ANG VILLA ABRILLES!

Happiness Is A Warm Gun
Tulad ng sabi ko sa tropa, madalas kung inuman: "Pare, kindness is my religion." Naniniwala akong mabait akong tao, pero di santo, malayo pa ako roon at ayaw kong maging rebulto paglaon. Okay na ako sa katotohanang wala naman akong sinasaktang tao, na sadya ko. O kung mayroon man, hindi ko intensyon. May masasaktan at masaktan tayo, gaano man tayo mag-ingat. So kung ganun, matuto tayong mag-sorry. Matuto tayong makiramdam. Ayaw kong manakit. Kasi nga, masakit 'yun. At sino ba naman ang may gusto ng nasasaktan?
Minsan--madalas nga, sa totoo lang--mas gusto kong ako yung nasasaktan. Sakit na kaya kong dalhin. Huwag lang yung mga taong nakapaligid sa akin. Yung mga taong mahal ko at mahal ako. Doon lang, masaya na ako.
Pramis, mababaw lang kaligayahan ko. At isa ka roon, mambabasa. :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)