dati
akala ko
ang kulay ng dugo
ay bughaw
napapanuod ko
kasi noon sila cedie
at sarah
mga dugo nila
bughaw
dugong-bughaw
ang gagara ng mga damit
mapuputi, maririkit ang mga mata
alun-alon ang nagdidilawang buhok
sa palasyo sila nakatira
luntian ang mga hardin
singlawak ng luneta
laging maaraw
wala akong maalalang umulan
napakaganda
napakaaya
kaya't akala ko
bughaw talaga ang dugo
napapanuod ko na rin
naman noon
'yung itim na magkakapatid
sila nikita
at si romeo
mga manggagawang bata
maitim yung mga mukha nila
marurumi
at laging maulan
at lagi silang umiiyak
naalala ko pa nga
nang magkasakit si nikita
sumuka siya ng dugo
akala ko asul
pula pala
pero nagtatrabaho pa rin siya
kahit may sakit siya at bata
at iyon nga
nakita ko
pula pala ang dugo ng mga marumi
pula pala
kaya pala maraming marumi tsaka mahirap
kasi pula ang dugo nila
at pula rin 'yung araw sa hapon
pero nung medyo nag-kaisip ako
at 'di na gaanong nanunuod ng t.v
at wala na rin sila cedie at sarah
nawala na rin ang paniniwala ko
na bughaw ang dugo
kasi si nanay
marumi ang kamay at makalyo kakalaba
si tatay marumi rin ang kamay at paa
at sapatos at damit at mukha
kasi manggagawa sa pier
'yung mga kapatid ko marungis
kakalaro sa labas
at maulan at laging basa
sa looban
at matulo
ang bubong namin
at ako sa maruming paaralan nag-aral
mula elementarya hanggang kolehiyo
marumi lahat at basa at maulan at mabaho pa
kahit saan ka tumingin may marumi
at oo
hindi nga bughaw ang dugo
pula ang dugong lumabas
sa ilong ni tatay
nang masampal siya ng kapatas nila
dahil nagtanong siya tungkol sa sahod
at si nanay nang madulas
habang naglalaba sa kapitbahay
nagdugo ang ulo niya, pula
at nang madengge si omeng
'yung kapatid ko
sinalinan siya ng pulang dugo
dahil kung hindi
baka patay na siya
at totoo
pula nga talaga ang dugo
hindi bughaw, hindi langit
hindi dagat
pula, singpula ng araw sa hapon
tulad ng mga dugong isinuka
ni nikita
at kailan kaya magiging pula
ang dugo nila cedie at sarah?
kailangan pa kayang mabahiran
ng dugo nila nikita, ni romeo
ni omeng, ni tatay, ni nanay
ng mga marurumi
ang luntian nilang hardin
na singlawak ng luneta
o kailangan pang sunugin
ang palasyo nila't abuhin?
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Martes, Agosto 10, 2010
Karit
I.
hinahasa kita
karit
nang sa gayo'y mahusay
mong magampanan
ang pagtabas ng palay
na habambuhay mo
nang dinidilaan
hinahalikan ang kabuuan
at siya namang aking hininga
pag-asa ng anak ko't asawa
hinahasa kita
umaga at gabi
hanggang sa makita ko
sa makinang mong katawan
karit
ang pagbangon ng nakasisilaw
na araw
at pagtitig ng buwan
sa hindi matapos na karimlan
hinahasa kita
upang ang hugis-ngiti mong katawan
ay magalang
na babati kaninuman
magpapaalaalang ika'y ginawa
karit
upang maging katuwang
ng katulad kong sabi nila'y mangmang
hinahasa kita
nang hindi ka pumurol
pupunasan ng langis
pupunasan ng bangis
pupunasan ng tangis
pupunasan ng tiis
nang layuan ka ng kalawang
kalawang na tila buwitreng gutom
na nag-aabang
sa iyo
karit
at babalutan kita
ng katsa
at itatabi, itatago
sa kasuluksulukan ng aking kubo
inilalayo kita sa kalawang
hinahasa kita
karit
umaga at gabi
lagi't lagi
sapagka't ikaw
ay kaluluwa ko
ikaw, ang mga palay
at ako, tayo'y buklod
ng sikap at pawis
ng tibay at kinang
ng pagmamahal
II.
(ang lupain, ang palayan
kinamkam, inagaw, ninakaw
kamakailan
ng asenderong walang pakialam
at hindi talaga magkakaroon
kailanman
ng pakialam
sa atin
sa mga tulad natin
huwag kang mababahala
kung iniisip mong mawawala
ang saysay mo
hindi kita hahayaang lamunin
ng mga kalawang)
hinahasa kita
karit
hahasain pa rin kita
sapagka't mula ngayo'y hindi na damo
hindi na ang palay na nawalay
ang didilaan at hahalikan mo
maghanda ka, alam kong handa ka
sapagka't mula ngayo'y
mga leeg na nasasabitan
ng mga gintong kuwintas
mga braso at pulsong naboborloloyan
ng mamahaling relo't pulseras
mga balikat na nalalapatan ng mamahaling polo
mga hita at binting yakap ng mamahaling pantalon
mga taingang kinakapitan ng kumikinang na hikaw
mga daliring nakabilanggo sa pilaking mga singsing
mga ulong kinalalagyan ng utak na ganid at mukhang
nakasusuklam
ng mga asendero't panginoon
ang didilaan, hahalikan mo
silang kinakalawang ang bukas natin
ang bago nating simulain
gahasain mo sila
hinahasa kita
karit
nang sa gayo'y mahusay
mong magampanan
ang pagtabas ng palay
na habambuhay mo
nang dinidilaan
hinahalikan ang kabuuan
at siya namang aking hininga
pag-asa ng anak ko't asawa
hinahasa kita
umaga at gabi
hanggang sa makita ko
sa makinang mong katawan
karit
ang pagbangon ng nakasisilaw
na araw
at pagtitig ng buwan
sa hindi matapos na karimlan
hinahasa kita
upang ang hugis-ngiti mong katawan
ay magalang
na babati kaninuman
magpapaalaalang ika'y ginawa
karit
upang maging katuwang
ng katulad kong sabi nila'y mangmang
hinahasa kita
nang hindi ka pumurol
pupunasan ng langis
pupunasan ng bangis
pupunasan ng tangis
pupunasan ng tiis
nang layuan ka ng kalawang
kalawang na tila buwitreng gutom
na nag-aabang
sa iyo
karit
at babalutan kita
ng katsa
at itatabi, itatago
sa kasuluksulukan ng aking kubo
inilalayo kita sa kalawang
hinahasa kita
karit
umaga at gabi
lagi't lagi
sapagka't ikaw
ay kaluluwa ko
ikaw, ang mga palay
at ako, tayo'y buklod
ng sikap at pawis
ng tibay at kinang
ng pagmamahal
II.
(ang lupain, ang palayan
kinamkam, inagaw, ninakaw
kamakailan
ng asenderong walang pakialam
at hindi talaga magkakaroon
kailanman
ng pakialam
sa atin
sa mga tulad natin
huwag kang mababahala
kung iniisip mong mawawala
ang saysay mo
hindi kita hahayaang lamunin
ng mga kalawang)
hinahasa kita
karit
hahasain pa rin kita
sapagka't mula ngayo'y hindi na damo
hindi na ang palay na nawalay
ang didilaan at hahalikan mo
maghanda ka, alam kong handa ka
sapagka't mula ngayo'y
mga leeg na nasasabitan
ng mga gintong kuwintas
mga braso at pulsong naboborloloyan
ng mamahaling relo't pulseras
mga balikat na nalalapatan ng mamahaling polo
mga hita at binting yakap ng mamahaling pantalon
mga taingang kinakapitan ng kumikinang na hikaw
mga daliring nakabilanggo sa pilaking mga singsing
mga ulong kinalalagyan ng utak na ganid at mukhang
nakasusuklam
ng mga asendero't panginoon
ang didilaan, hahalikan mo
silang kinakalawang ang bukas natin
ang bago nating simulain
gahasain mo sila
Martilyo
ipinupukpok ang martilyo
sa pakong nakausli
pinagdurugtong
ang nagkakagalit na tabla
ng kamagong man o narra
palotsina o lawanit
mainam ding pangpitpit ng lata
o aserong wala sa hugis at porma
kapares ng sinsil at paet
na kaibigang matalik ng isang iskultor
minsan
(o madalas nga marahil)
ipinampupukpok
sa mga galit na daliri
ng isang aktibista
ipinandudurog
sa matitigas na bungo
ng mga mulat na magsasaka
ipinanghahalik
sa nanggigitatang tuhod
ng isang poldet
ipinasisiping
sa maprinsipyong bibig
ng mga lider-manggagawa
malupit ang martilyo
marahas
kung pasista at ganid at utak-pulbura
ang magtatangan
ngunit mapagpalaya
mapagmahal
mapagkalinga
mapagkumbaba
kung mga kamaong sanay
sa init ng katanghaliang araw
o manhid sa lamig ng magdamag
o sa hambalos ng alon
o sa kapagalan ng katawan
ang tatangan
at mabagsik din kung kinakailangan
pinakamalupit ang asahan
higanti
mapula ang ulo ng martilyo
ng isang kamaong
pinagsasamantalahan
sa pakong nakausli
pinagdurugtong
ang nagkakagalit na tabla
ng kamagong man o narra
palotsina o lawanit
mainam ding pangpitpit ng lata
o aserong wala sa hugis at porma
kapares ng sinsil at paet
na kaibigang matalik ng isang iskultor
minsan
(o madalas nga marahil)
ipinampupukpok
sa mga galit na daliri
ng isang aktibista
ipinandudurog
sa matitigas na bungo
ng mga mulat na magsasaka
ipinanghahalik
sa nanggigitatang tuhod
ng isang poldet
ipinasisiping
sa maprinsipyong bibig
ng mga lider-manggagawa
malupit ang martilyo
marahas
kung pasista at ganid at utak-pulbura
ang magtatangan
ngunit mapagpalaya
mapagmahal
mapagkalinga
mapagkumbaba
kung mga kamaong sanay
sa init ng katanghaliang araw
o manhid sa lamig ng magdamag
o sa hambalos ng alon
o sa kapagalan ng katawan
ang tatangan
at mabagsik din kung kinakailangan
pinakamalupit ang asahan
higanti
mapula ang ulo ng martilyo
ng isang kamaong
pinagsasamantalahan
Piko
ang piko
'di lamang pambungkal
ng nanigas nang lupa
o pangtibag
sa mga sementado, aspaltado
kungkretong daan o pader
'di inihugis arko
upang ihampas palagian
sa walang muwang na semento
'di tinulis ang mga dulo
nang sa gayo'y halikan
maya't maya
ang mapuputlang pader
na naghambalang
hindi lamang iyan
ang gamit ng piko
kung ikaw, obrero
ay nagngangalit
at ang dugo mo'y maalab
na nag-aapoy
sa dahilang obrero kang ninanakawan
ng dangal
at turing-baboy, alipin, makina
at himala para sa iyo
ang magsubo ng kanin
sa mga anak mong bundatin
at tibo sa puso mo
ang asawang madalas ubuhin
isipin mo, isipin mo
ang iyong piko
kabisaduhin ang tamang pagbayo
ang tamang paghawak
ang tamang pag-asinta
sa malambot na bumbunan
o matang nandudumilat
at isipin mo, isipin mo
ang iyong amo
ang malaki't bumibilog nitong tiyan
ang luwa nitong mga mata
ang mga ngiping ginto
ang mamahaling polo't sapatos
ang almusal, tanghalian, hapunan
nitong kaysasarap
at chedeng nitong makinang
isipin mo, isipin mo
na ang piko'y pangtibag
ng manhid na semento
pambungkal ng naninigas na lupa
at manhid nga, oo
manhid nga ang iyong amo
at matigas ang puso sa tulad mo
umpisahan ang pagbayo
'di lamang pambungkal
ng nanigas nang lupa
o pangtibag
sa mga sementado, aspaltado
kungkretong daan o pader
'di inihugis arko
upang ihampas palagian
sa walang muwang na semento
'di tinulis ang mga dulo
nang sa gayo'y halikan
maya't maya
ang mapuputlang pader
na naghambalang
hindi lamang iyan
ang gamit ng piko
kung ikaw, obrero
ay nagngangalit
at ang dugo mo'y maalab
na nag-aapoy
sa dahilang obrero kang ninanakawan
ng dangal
at turing-baboy, alipin, makina
at himala para sa iyo
ang magsubo ng kanin
sa mga anak mong bundatin
at tibo sa puso mo
ang asawang madalas ubuhin
isipin mo, isipin mo
ang iyong piko
kabisaduhin ang tamang pagbayo
ang tamang paghawak
ang tamang pag-asinta
sa malambot na bumbunan
o matang nandudumilat
at isipin mo, isipin mo
ang iyong amo
ang malaki't bumibilog nitong tiyan
ang luwa nitong mga mata
ang mga ngiping ginto
ang mamahaling polo't sapatos
ang almusal, tanghalian, hapunan
nitong kaysasarap
at chedeng nitong makinang
isipin mo, isipin mo
na ang piko'y pangtibag
ng manhid na semento
pambungkal ng naninigas na lupa
at manhid nga, oo
manhid nga ang iyong amo
at matigas ang puso sa tulad mo
umpisahan ang pagbayo
Ang Tula Tulad ng Tulay
ang tula
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
ng dito at doon
dito: ako, maraming ako
mga salita ng pag-aalay
at pagdakila, pagpupugay
at paghihimagsik, pagtutol
at pagmamahal
doon: ikaw, oo, ikaw
iyo itong tula
lahat ng ito'y mga salitang
hinugot, sa karanasan
at pananampalataya
sa lakas at galing mo
ikaw itong aking, aming tula
ikaw, masa at bansa
ang tula
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
mula ako patungong tayo
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
ng dito at doon
dito: ako, maraming ako
mga salita ng pag-aalay
at pagdakila, pagpupugay
at paghihimagsik, pagtutol
at pagmamahal
doon: ikaw, oo, ikaw
iyo itong tula
lahat ng ito'y mga salitang
hinugot, sa karanasan
at pananampalataya
sa lakas at galing mo
ikaw itong aking, aming tula
ikaw, masa at bansa
ang tula
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
mula ako patungong tayo
Ebolusyon
Bata sa Kanto:
bangbangbang
tinamaan ng air gun
ang galising aso
sarap ng tawa
ng batang uhugin
Binata sa Labasan:
bangbangbang
nadaplisan sa tiyan
si mang karyo
nang paputukin ang paltik
may riot ang magkagalit
na grupo, wala raw sinisino
Batsilyer sa Beerhouse:
bangbangbang
luwa ang bituka
ng guwardiyang umawat
sa lasing na nagmimilitar
sukbit ay kuwarenta'y singko
mayabang raw ang loko
ninong ay sarhento
Sundalo sa Kabundukan:
bangbangbang
sabog ang ulo
warak ang dibdib
ng dalagang pinagkamalang
kabilang sa mga neps
at napag-alaman pa
sa morge'y natuklasan
bote ng hinebra'y nakapasak
sa puki ng dalaga
bangbangbang
tinamaan ng air gun
ang galising aso
sarap ng tawa
ng batang uhugin
Binata sa Labasan:
bangbangbang
nadaplisan sa tiyan
si mang karyo
nang paputukin ang paltik
may riot ang magkagalit
na grupo, wala raw sinisino
Batsilyer sa Beerhouse:
bangbangbang
luwa ang bituka
ng guwardiyang umawat
sa lasing na nagmimilitar
sukbit ay kuwarenta'y singko
mayabang raw ang loko
ninong ay sarhento
Sundalo sa Kabundukan:
bangbangbang
sabog ang ulo
warak ang dibdib
ng dalagang pinagkamalang
kabilang sa mga neps
at napag-alaman pa
sa morge'y natuklasan
bote ng hinebra'y nakapasak
sa puki ng dalaga
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)