palasong tumarak saking utak
binigyang saysay
mga kamay
na nagbibitak
sa kalyo
taglay mo ang naninigid
na init ng disyerto
hampas ng hanging habagat
halimuyak
ng mamasa masang ulop ng Sierra Madre
ikaw ngayoy aking tangan
sa bawat paghakbang sa mapuputik na landas
isinisigaw nang iyong laway
ang apoy sa Bukang Liwayway
ipinipinta natin ang kinabukasan
karamay ang sumamot panaghoy
ng mga nalalagi sa ibaba at sulok
habang gamit ang iyong talim
sasaksakin natin
ang mga nabubulok na kaluluwa sa tuktok
ng mga toreng garing
tayoy magluluwal
ng mga Dakilang Obra
kukumpas tayo sa mga dahon at talahib
sa mga pilapil
sa sakot gutay na papel
sa wasak na kubo
sa mabubulas na puno
sa dibdib na nagsabato
iisa tayo Pluma
at ang buhay natiy nagmumula
sa mga dugong idinidilig
sa semento sa lupa
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Linggo, Agosto 8, 2010
Nawawala
Lagas na pahinasa mga librong
pinapapak ng alikabok
ang mga gunita
nilang naglaho sa panahon ng Sigwa.
Putok na nguso. Basag na bungo.
Putol na mga kamay at paa. Mga paso ng sigarilyo.
Gasgas sa likod. Saksak sa tagiliran.
Semilya sa ari.
Walang saplot. Basang tisert.
Duguang pantalon.
Nakasusuklam na pambungad. Malagim na bati,
ng mga pinalad. Natagpuan.
Mapalad. Sila’y mapalad.
Ngunit, sa mga nilamon, naglaho sa dilim?
Tuluyang inagnas ng alaala?
Walang bakas. Ni isang batong nakasaksi.
Ni ibong makahuhuni.
O punong nakikidalamhati.
Wala?
Wala! Wala! Wala!
A, kayo, kayong maysala.
Demonyong Kaharian. Ginintuang Trono.
Bakit sadyang nakangingiti pa?
Humahalakhak ang mga tarantado.
A, kayo, kayo’y duwag!
Umaasa sa dilim. Madilim na kinabukasan?
Hindi! Hindi kailanman!
Huwag pakasisiguro,
sa mga lagas na pahina. Nilagas kusa.
Magpapatuloy. Ipagpapatuloy,
ang Dakilang Epiko ng Masa.
pinapapak ng alikabok
ang mga gunita
nilang naglaho sa panahon ng Sigwa.
Putok na nguso. Basag na bungo.
Putol na mga kamay at paa. Mga paso ng sigarilyo.
Gasgas sa likod. Saksak sa tagiliran.
Semilya sa ari.
Walang saplot. Basang tisert.
Duguang pantalon.
Nakasusuklam na pambungad. Malagim na bati,
ng mga pinalad. Natagpuan.
Mapalad. Sila’y mapalad.
Ngunit, sa mga nilamon, naglaho sa dilim?
Tuluyang inagnas ng alaala?
Walang bakas. Ni isang batong nakasaksi.
Ni ibong makahuhuni.
O punong nakikidalamhati.
Wala?
Wala! Wala! Wala!
A, kayo, kayong maysala.
Demonyong Kaharian. Ginintuang Trono.
Bakit sadyang nakangingiti pa?
Humahalakhak ang mga tarantado.
A, kayo, kayo’y duwag!
Umaasa sa dilim. Madilim na kinabukasan?
Hindi! Hindi kailanman!
Huwag pakasisiguro,
sa mga lagas na pahina. Nilagas kusa.
Magpapatuloy. Ipagpapatuloy,
ang Dakilang Epiko ng Masa.
Sa Kalaliman ng Gabi (o Kung Paano Ko Paniniwalaan ang mga Ayaw Kong Paniwalaan) Isang Tuluyang Tula
Hindi kailan man tayo nagsabay. Kumain man lamang o tumambay. Ngunit, itong mga huling semestre, magkasabay tayo sa tulungan ng klase. Naalaala ko pa ang iyong disposisyon. Iyon ang huling pagkikita natin. Walang pinagkaiba, tulad ka pa rin ng mga nagdaang araw, masayahin. Tila walang nagbabadyang trahedya.
“Pare, salamat do’n sa tsokolate”. ‘Di ko batid na iyon na pala ang huling palitan natin ng mga salita. Natatandaan mo? Nagkabiruan pa nga ang tropa. “Bertdey mo na. Painom ka naman! Pakambing ka naman!” Nangiti ka lamang, dahil ika’y hindi nainom.
Dumating ang kaarawan mo. Tulad ng iba pang mga araw, walang pinag-iba sa karaniwan. Ngunit, isang mainit na text ang bumungad. “Wala na si Kuya Jeff!” sabi ni Tin. Kalokohan! Bertdey, may ganyan? Inisip naming nasa Lab high na isang malaking biro. Nagitla ako doon, Pare.
“Totoo ba? Ano ba talaga?” Nagkayayaan. Alamin ang katotohanan. May mga nauna sa inyo. Inaalam din. Ngunit wala ka. Umaasa kaming biro nga. Hapon na nang dumating ka. Totoo. Nagsimulang ayusin ang sala ninyo. Doon kasi ilalagay ang kahon mo. Puti. Malapad. Mahaba-haba. Totoo nga. Walang duda. Walang biro.
Matagal tumimo sa akin na totoo ang lahat. “Hindi na siya nagising.” Kitang-kita ang makapal na kolorete sa iyong panatag na mukha. Salamin ang pumapagitan sa atin. Tulog ka lang sabi namin. Yari ka! Iyon ang hinihintay ng lahat. Pero wala. Kahit kaluskos o bakas-hininga.
Nagpabalik-balik kami sa pakain mo. Iyon na ba ang pabertdey mo? Nag-inuman din kami. Natikman din namin ang kambing na tinda n’yo Ang sarap magluto ng Nanay mo. Nag-iisip pa rin ako. Wala pa rin. Hindi totoo. Ayokong maniwala.
Dumating ang araw na hinihintay. Kailangan ka nang isama sa kapalaran ng iba. Maangas ang Tatay mo, Pare. Hindi ko man lamang nakitang umiyak . Ang mga Ama nga naman. Naalaala ko rin pala, iyong nagdugtong sa ating maliit na pagkakaibigan. Led Zeppelin. Pinag-isa tayo ng Stairway to Heaven, Kashmir , Goodtimes Badtimes o Communication Breakdown kaya. At sa huling hantungan mo. Sa karo mo, Pare. HardRock ang sumasalubong sa tainga ng mga tao. Napangiti ako. Tulay patungong langit?
Sa misang gawad sa iyo, binanggit ng Pari na isa kang mabuting tao base na rin sa nakita niyang nakikidalamhati sa iyo. “Pinuno niya ang kapilyang ito, na bihirang napupuno sa ordinaryong araw”. Napangiti muli ako.
Sa Norte, nahanay ka roon malapit sa mga kilalang nauna. Thomasites. Pancho Villa atbp. May palipad-lobo pa’t hagis-bulaklak. Panatag pa rin ang iyong mukha. Isinilid ka sa isa pang kahon. Parang posporo. Iyon ang huling kita ko sa iyo.
Pare, ngayon lang ako tumula ukol sa mga nangyari. Ewan lang kung hindi kaya o wala talaga. Pero, ngayong gabing ito, naisip kita. Hindi tayo dikit sa mga bagay-bagay. Kailan lang din nagkalapit ang mga pananaw natin. Ngunit, naitanim sa isip ko ang maliliit na kabutihang ginagawa mo at ilan pang kabutihang ikinuwento ni Nanay at Tatay mo. Nagagalak ako, Pare. Na sa huling mga sandali mo’y natulungan mo kami sa thesis kahit may sarili kayong thesis na sinasaliksik. Malaking bagay na iyon. At ang tsokolate. Natatandaan mo?
Nagtataka lang ako sa mga pangyayari. Bakit ganoon? Bakit sa kaarawan mo pa nangyari? Bakit “Friday the 13th” pa, Pare? Bakit may pa chain letter pa? Bakit ngayong gagradweyt na tayo? Totoo bang malapit sa sakuna ang may kaarawan? Malas ba talaga ang Trece Viernes? Kailangan ko na bang matakot sa chain letter? Kailangan ba talagang mag-ingat ang mga gagradweyt?
Coincidence?
Maniniwala ba ako? Kailangan ko na ba’ng maniwala? O panaginip lamang ang lahat?
Maniniwala ba ako? Kailangan ko na ba’ng maniwala? O panaginip lamang ang lahat?
--alay kay Jeff, isang kaibigan
Basurahan
salisaliwang paniniwalang kaguluhang hunghang
basagbasag na salamin sa dagidig
a! sa rehas na itoy maglalaro ako
ng patintero sa ulan
bahaybahayan ni Aling Maring
bubuhatin ko ang Library of Congress
at lalamunin ko ng buongbuo
sabay inom ng litrolitrong Pasipiko
a! tatadyakan ko ang Sierra Madre
tulad ba ng latang nakakalat sa SM
lalamasin ko din ang poster ni Angel sa EDSA
didilaan ang matamis na tinapay sa disyerto
"baliw ka gago"
baliw? sinong baliw?
pare nakita ko na si Hesus
katabi ko sa kama
hindi pala kulot buhok niya
kalbo siya pare at pula ang mata
katabi ko pare
kahapon naggala ako sa Baywalk
ang daming bulaklak sa dagat
ang sarap nila
lumangoy ang gulay sa Baguio
namatay ang aso ni Mang Tasyo
nasunog ko nga pala ang palaisdaan
kaya wala ka nang mana
si Moses kumakain pala ng ahas
at si Piolo lalaki pare
kamukha na siya ni BB
ang lamig ng rehas na ito
parang bolang kristal sa makiling
bakit ganitong suot ko?
ang sakit na ng kamay ko
pare, ikaw ang baliw!
kasi hindi mo alam ang alam ko.
wala tayo dito
andoon tayo sa wala pare.
Makapal na ang Kalyo sa Talampakan
kung may pagkakataon
hinahayaan ang paa na tumahak sa mga baha
o di kayay sa mainit na singaw ng semento
pilit na pinipilit ang mga paa na makipaglaro
sa mga usok at nagmamapang putik
minsay Miyerkules o kayay Sabado
kung lumarga ang nangangating talampakan
hindi na nga napansing bumalik ang makating alipunga
pero sige lang
mayroon kasing binabalak
arawaraw pinuputakti ng mga letra
binaliw pa nga ng malambing nilang taludturan
marami sila at hinihintay lamang duon sa sulok
sumisigaw sila ngunit walang tunog
ikaw lamang ang nakakarinig
at ang talampakan mong untiunti nang nanganganak
ng kalyo
pinaikot mo si Inay o si Itay o si Amor
mapagbigyan lamang ang hilig
marami na sila sa sarili mong sulok
kinakain ng alikabok at daga at anay
pero sige lang walang makapipigil sa iyo
dahil may tinatahak ka
abutin mo silang nakatingala
gamit ang talampakan mong nagkakalyo
nang malambing mo rin ang letrat salita
hinahayaan ang paa na tumahak sa mga baha
o di kayay sa mainit na singaw ng semento
pilit na pinipilit ang mga paa na makipaglaro
sa mga usok at nagmamapang putik
minsay Miyerkules o kayay Sabado
kung lumarga ang nangangating talampakan
hindi na nga napansing bumalik ang makating alipunga
pero sige lang
mayroon kasing binabalak
arawaraw pinuputakti ng mga letra
binaliw pa nga ng malambing nilang taludturan
marami sila at hinihintay lamang duon sa sulok
sumisigaw sila ngunit walang tunog
ikaw lamang ang nakakarinig
at ang talampakan mong untiunti nang nanganganak
ng kalyo
pinaikot mo si Inay o si Itay o si Amor
mapagbigyan lamang ang hilig
marami na sila sa sarili mong sulok
kinakain ng alikabok at daga at anay
pero sige lang walang makapipigil sa iyo
dahil may tinatahak ka
abutin mo silang nakatingala
gamit ang talampakan mong nagkakalyo
nang malambing mo rin ang letrat salita
Protesta Sa Alaala
kung molotov ang mahahapding sandali
ihahagis ko, araw-araw, sa kuta
ng mga tarantadong militar
ang bawat sandali
kung teargas ang ngiti mong 'di maglaho
ibabato ko, sa bawat aklasan, doon
sa panig ng mga balahura
ang bawat ngiti
kung bandera ang mga alaala mo
iwawagayway ko, sa nilalagnat na langit
at hangin, ang bandera
hanggang sa tuluyang mag-alab
ang damdamin ng masa
kung bato ang bawat pagkakataon
ng muling pagkikita, ipupukol ko
sapul doon sa tarangkahan
ng embahada ng amerika
ang bato, ipupukol ng buong lakas
hanggang sa madurog, bungo
ng imperyalismo
at kung armalayt ang mga bangungot
mo sa bawat pagpikit, ipuputok
ko, paaawitin ang mga punglo,
paaalingawngawin sa malawak na kabundukan
patutunguhin sa dibdib ng mga mapagsamantala
hanggang sa tuluyang lumaya
ang isipan ko sa tanikala
ng mga alaala
ng dati nating pakikibaka
ihahagis ko, araw-araw, sa kuta
ng mga tarantadong militar
ang bawat sandali
kung teargas ang ngiti mong 'di maglaho
ibabato ko, sa bawat aklasan, doon
sa panig ng mga balahura
ang bawat ngiti
kung bandera ang mga alaala mo
iwawagayway ko, sa nilalagnat na langit
at hangin, ang bandera
hanggang sa tuluyang mag-alab
ang damdamin ng masa
kung bato ang bawat pagkakataon
ng muling pagkikita, ipupukol ko
sapul doon sa tarangkahan
ng embahada ng amerika
ang bato, ipupukol ng buong lakas
hanggang sa madurog, bungo
ng imperyalismo
at kung armalayt ang mga bangungot
mo sa bawat pagpikit, ipuputok
ko, paaawitin ang mga punglo,
paaalingawngawin sa malawak na kabundukan
patutunguhin sa dibdib ng mga mapagsamantala
hanggang sa tuluyang lumaya
ang isipan ko sa tanikala
ng mga alaala
ng dati nating pakikibaka
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)