Sumasayaw sa saliw ng musikang agunyas ng sanlibutan.
Nilalango ang mga mata sa dikta ng libog at nasa.
Sinasaksak sa utak ang dikta ng pagkamanhid, pagkaganid
at droga ng pagka-ako.
Sumasampalataya sa homiliya't aral ng kawalang katuturan
na nagpapaikot
sa mundong hindi mundo
kundi pusalian ng kaniyang kauri.
Iyan ang kaburgisan.
Ang impiyerno sa ibabaw ng kalupaan.
*bourgeoisie, burgis, kapitalista.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento