Martes, Enero 18, 2011

R.A. 6713, Section 4, Paragraph (h)*

ngayon mo pangatwiranan
na may tuwid ngang daan
sa bayan na itong inyong pinagpapasasaan.

ngayon mo panghawakan
na kami ang "Boss!" na pagsisilbihan
ng estadong singkarakas ng nagdaan.

ngayon mo patunayan
ang adhika umano ng kabayanihan
ng mga magulang na santo daw ng bayan.

ngayong nag-liliparan, papaimbulog sa kalangitan
ang pag-asa't hininga ng simpleng mamamayan.

ngayon mo pangatwiranan
na ang porsche'ng iyong ipinangalandakan
na wika mo'y mula sa sariling bulsa't kaban
ay hindi inani sa madugong tubuhan.

    *(h) Simple living. - Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento