napanaginipan kita
nagwawalis sa isang bakuran
hindi pa ganap na bukas
ang mata ng araw no'n
pinagmamasdan kita
nakasilip lang ako sa isang maliit
na bintana
ikaw pa rin iyon
ang marahan mong pagwawalis
na hindi baga makalikha ng ingay
nakadaster kang tila nagluwal na
ng apat, anim na supling
napakaganda mo
walang kaparis ang payak mong anyo
pinusod na mga buhok
mumurahing gomang sinelas
kaunting pulbo sa pisngi
napakaganda mo sa panaginip na iyon
habang inihahanda mo nang sigaan
ang nawalis na mga tuyong dahon
biglang may kung anong anino
ang lumapit sa iyo
pinilit kong sumigaw, gumalaw
nguni't manunood lamang ako
sa sarili kong panaginip
nag-aabang lamang ng eksena:
ang anino'y niyakap ka nang mahigpit
mula sa likod mo
hinalikhalikan ka, sa leeg, sa pisngi
wala kang tutol
malambing na tapik lamang
ang iginanti mo sa anino
sa lalaking anino
na nagapagtanto kong hindi ako...
iyon ang huli kong panaginip sa iyo
sabi nila'y lahat ng panaginip
ay kabaligtaran ng mangyayari
sa hinaharap
sana nga
'pagka't umaasa ako
sa sinabi mong pag-asa
EMO!mahirap ding umasa,,kung may aasahan,bakit hindi...kung wala,mangarap na lamang sa bunton ng panahon na ang kanyang kabuuan ay iyong makakamtan muli....
TumugonBurahinpare, di mo maiaalis sa akin ang Emo! hehe, yan ang nagpapaunawa na may malay pa ako sa mundo... kung sagwil man ito sa pagiging makatang tumutula ng mapula... siguro, magmumuni muni muna akong tatanaw sa malayo, at itatanong... "pula ang dugo. pula ang puso. pula ang rebolusyon. e ang pag-ibig?" hehehe...
TumugonBurahin