madalas, sa dalas ng kadalasan
nagigising ako, sa lamig ng madaling-araw
o sa mga umaga na kinakalabit
ng sinag ng araw ang aking mga talukap
hinahanap kita, hahanapin
gagalugarin ng aking mga kamay
ang gusot ng mga kumot at latag ng banig--
wala ang iyong mainit na kabuuan
at iisipin ko na lamang, na marahil
bumangon ka na't nasa piling
ng mga kawali't takure, nagsasangag
nag-iinit ng tubig at babangon ako, patakas
na yayakap sa iyong likod, magsasambit
ng "Magandang umaga!"
ngunit
muli't muli, sa isipan lamang kongkreto
ang mga abstraktong hangarin
matagal-tagal pa, daan-daan pang mga umaga
daan-daang mga araw
ang lilipas, palilipasin, bago maging ganap
ang mga hangarin
mahaba pa ang mga lakbayin at landasin
ngunit tiyak ako, tiyak tayo sa tunguhin
na isang araw, sa gitna ng daan-daang sandali
sabay tayong mag-aalmusal
magkasalo sa isang tasang kape at pandesal.
shit ka pare...gusto ko to..malinaw ang paglalarawan tulad ng malinis na tubig sa parang...
TumugonBurahinmalinaw ba... palabuin natin... hehe
TumugonBurahinidol ikaw ang tunay na makata....para kong inaanod sa mga salitang inilapat mo sir! :)))
TumugonBurahinnaku, bryan... mas maangas ang tula mo jan... :) may blog ka na ba? gawa ka na...
TumugonBurahin* grabe, sa dulo ng lang ng tula mong pampag-ibig, may kahirapan pa rin-- kape't pandesal.
TumugonBurahin"ang gusot ng (NANG) mga kumot." NANG ito kung perpektibo, na ang mga kumot ay gusto na nga, ngayon naman kung ang gusto ang tinutukoy, gusot SA mga kumot pero arang 'yong una yata ang tinutukoy mo.
pare, ang pag-ibig ay may kaakibat na kahirapan... :)
TumugonBurahingagalugarin ng kamay... ang alin? ang gusot... gusot ng ano? NG kumot...
NG siguro ito, pare.