Walang kasiping, ngayong gabi,
Ang Manunulat
Walang magandang babaing
Nakapatong, gumigiling
Sa kanyang ibabaw
Walang bra at panting
Nakakalat sa sahig
Walang pabangong-rosas na
Kumakapit sa kaniyang bisig
O pulang-labi na
Humahalik sa kaniyang bayag.
Walang kasiping, ngayong gabi,
Ang Manunulat
‘pagkat wala, ngayong gabi,
Sa naggagandahang mutya
Na may mapupulang-labi’t malaki
Ang suso, ang kaniyang libog.
Ngayong gabi,
Kinakantot niya ang salita
Nilalamas ang mga letra
Hinihimod ang kataga
Sinusupsop ang talinghaga
Walang kasiping, ngayong gabi,
Ang Manunulat
‘pagkat ang libog at nasa’y
Kandilang unti-unting nauupos
‘pagkat utak niya’y lugmok
Sa mga batang nanlilimos
At mga kasamang sabog
Ang bungo sa pagtutuos.
Walang kasiping, ngayong gabi,
Ang Manunulat
“Pag-ibig sa Masa, Habang Panahon!”
huwag titigil, ka mark, kahit daliri'y putulin, kahit mata'y dukitin, sa paglalahad ng makabuluhang mga salita bilang matalim na sandata sa pagbusbos sa ninanana at nabubulok na lipunan dahil sa mga puwersa ng inhustisya't pagsasamantala ng iilang diyus-diyosan sa balintunang lipunang ito.
TumugonBurahin