Linggo, Oktubre 24, 2010

Konsiyensiya

Dinatnan kitang lalambilambitin.
Nakayakap sa maputla, namumula mong leeg
ang putim na kumot
na itinali mo nang mahigpit
sa kisameng marupok.
Sa dibdib mong pinaglahuan ng tibok
lumalandas ang laway
na tumutulo
mula sa nag-usli mong dila.
Dinatnan kitang wala nang hininga.
pero kanina
iniwan kitang masaya,
bago ako magpaalam na bibili
ng isa pang boteng lapad.
Ako, ako ang tigib ng problema
nguni't ikaw, ikaw itong nagpataw--
nagpatiwakal.


Inugat ko, sa mga huling hingal
ng mga sandaling pagal
sa pagkakalango
ang misteryo ng milagro.



May nabanggit ka nga pala,
'ika mo,
binabangungot ka
nitong nagdaang mga gabi.
Isang batang babae
ang sa pagtulog mo'y tumatabi.
nakahawak sa kaniyang ari,
itinuturo ka't siya'y nakangiti.
Iyon, iyon ang iyong naibahagi.


Sa pagtitika-tika ko,
binugaw ang mga ulap sa sariling ulo--
dapat ka ngang mamatay.
Tama ang desisyon mo,
'di ka na naghintay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento