Miyerkules, Nobyembre 17, 2010

Minsan

Minsan pinangarap kong maging bakal.
Para maging punglo
na tutugis at lalangoy
sa utak at dibdib
ng mga ganid at demonyo.
Minsan.
Ang minsan ko'y segu-segundong umiiral.
Minsan
na segu-segundong bumubukal.

2 komento:

  1. Nang mabasa ko ang yong tula, ang minsan mo'y minsan ko na rin tol. naway makasulat ka pa ng maraming akda at tula at nang sa gayon ay mamulat ang madla. padayon sa tagumpay!

    TumugonBurahin