Miyerkules, Pebrero 9, 2011

Kawing-kawing

nasusunog ang mga kabahayan
nagtatangis ang nasusunugan
sa Barangay North            Triangle

abala namang nagtataka ang ilan
sa kamatayan ng isang      Angel-
o Reyes

masayang maisasakatuparan
ng mga                               lintik
na Ayala
planong
Quezon City Business        District

at ang pangulong nagdiriwang 
ng ikalimampu't isang                      kaarawan
abot-langit ang kasiyahan
rehistrado na kasi
kaniyang bagong mga                    laruan
ang Lexus at Porsche'ng
minumulto
ng madugong                                 tubuhan.

2 komento:

  1. ang Lexus at Porsche'ng
    minumulto
    ng madugong tubuhan. gusto ko ang linyang ito...pula....

    TumugonBurahin
  2. pula ba, pare? taenang pangulo kasi yan. tuod,,, hehe...

    TumugonBurahin