Martes, Agosto 10, 2010

Ang Tula Tulad ng Tulay

ang tula
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
ng dito at doon

dito: ako, maraming ako
mga salita ng pag-aalay
at pagdakila, pagpupugay
at paghihimagsik, pagtutol
at pagmamahal

doon: ikaw, oo, ikaw
iyo itong tula
lahat ng ito'y mga salitang
hinugot, sa karanasan
at pananampalataya
sa lakas at galing mo
ikaw itong aking, aming tula
ikaw, masa at bansa

ang tula
tulad
ng tulay
ay nagdurugtong
mula ako patungong tayo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento