Miyerkules, Abril 20, 2011

Isa Pang Tula Ng Pangungulila

singlungkot ng ulan
nang ganap na lumisan ka
ang mga patak ng luhang lumandas
sa pisngi
na nilamog ng bagabag

nagkatotoo ang hula

maiiwan nga akong nag-iisa
kapiling lamang ay iyong mga gunita

magkikita pa ba tayo
kung mamarapatin ng mundo?

1 komento:

  1. * pare, ikaw ang bahala, tingin ko lang naman 'to...baka gusto mong gawing:

    singlungkot ng ulan
    nang ganap kang lumisan

    para magkatugma't mas masarap sa tenga

    TumugonBurahin