Martes, Abril 19, 2011

Si Jan-jan

Napagtripan ni Willie ang batang si Jan-jan.

Umiiyak, paggiling-giling--
dahan-dahan na parang bulateng malapit nang paglahuan ng hininga,
dahil binudburan ng asin--
ang ibinanderang talento ng batang si Jan-jan.

Libu-libong pera ang ibinigay ni Willie sa batang si Jan-jan,
at libu-libong madla ang natuwa sa nakita,
at sandamakmak na patalastas ang nadagdag sa programa,
at walang nakaaalam na magiging mainit itong balita.

At tulad nga ng bulateng malapit nang mamatay,
si Jan-jan ay pinanawan ng kawalang-malay.

4 (na) komento:

  1. Biktima rin si Willie ng mga nagbabanggaang negosyante. Saka sa ginawang pag-iingay, doble biktima lang si Jan-jan.

    TumugonBurahin
  2. hindi kailanman naging biktima si willie... siya'y kasangkapan ng mga negosyante/kapitalista sa pag-yurak sa dignidad at pagiging tao ng isang Pilipino... at ang sinumang nahumaling sa alindog ni wilie, bilang tagapamandila umano ng kabutihan at pagiging mapagbigay, ay marahil, sinaklob ng kahirapang di nila matakasan...

    sa isang libong naipamigay ni wilie... isang milyon ang bumabalik... 300T sa kanya, 500T sa kapitalista...

    ang biktima, si janjan... saang anggulo man natin sipatin...

    TumugonBurahin
  3. Walang simpatya sa pagtawag kay Willie na isa pang biktima. Bulag lang ang hindi makakapuna sa mga kabuktutan nya. Ang punto ko lang Sir, nagiging doble biktima ang bata.

    TumugonBurahin