nagliliparan ang mga ipis
at sumasamyo ang kanilang
bango sa malamig na hangin
ng Pebrero. madaling-araw, hindi
nagmamadali ang araw na bumangon.
iniisip kita. oo, himbing ka na't nanana-
ginip. ikukuwento mo sa akin, sa Lunes,
ang mga nangyari sa iyong Sabado
at Linggo at ikukuwento ko rin sa iyo
ang akin. ikukuwento mong nanaginip ka
o iyong balitang nasagap mo:
lagi raw akong late sa umagang klase ko.
ikukuwento ko naman sa iyo, na humabi ako
ng tula
isang sandali ng madaling-araw ng
Pebrero. sasabihin kong nagliliparan
ang mga ipis nang sandaling iyon,
at baka magtanong ka kung bakit
isinama ko ang ipis sa tula.
sandali, baka magtaka ka at ang malala,
ikagalit mo pa; huwag kang mag-alaala,
huwag kang mababahala.
iisa ang ipis at aking pagsinta,
aabutin ng milyong taon ang eksistensya.
* lupit ng tapos pare... banayad gaya ng maikling kuwento ang pagsasalit, tama ang drama at may bigat sa mga linya, hindi masyadong oral, bagama't hindi ganoon ka-natural. Sapat lang para sa maka-sining na paglalarawan.
TumugonBurahin