pinitpit na mga tanso,
pustura't kulay ng mga dahon
ng punong di ko alam ang ngalan.
nagsasalit
sa luntiang mga dahong
tantiya ko'y bagong usbong.
mayabang sa pagkakakapit
ang mga lunti, samantalang
nangangalaglag ang mga tansuin
sa ragasa ng hangin;
parang buhay, isang paligsahan.
naisip ko lamang kung alin at sino
ang hinirang--ang mapalad;
ang nauna o naiwan
o ang punong huhubaran
ng taglagas.
* gusto ko talaga 'yong tapos nito, nanggugulat. Hindi ko naisip na doon mo tatapusin. Tama, 'yong puno ang kawawa.
TumugonBurahintayo ang mga puno, pare.
TumugonBurahin* Tama!
TumugonBurahin