nasasaan ang pulitik a? dito
sa tula. tulad ba ng na(muli)kat
na pagnanasa; nananamlay na ugat
at ang tugma, ang sukat
ang pagkakasiw(
alat), at pag(sisi
)walat
sa linya
sa estropa
sa taludtod
sa talinghaga, ay
nasasaan? nasagasaan
ng panahon, kinombulsiyon
ng sitwasyon?
pilit-pilipit-namimilipit,
ginto at bulak, namumulaklak
na mga salita
salat/talas/ sa protesta. ay! (n a g l a h o n g g u n i t a !)
nasasaan ang tula?
pagkat wala
na bang himagsik,
sa birtuwal na panginorin?
di ba't wala.ng patid ang digmaan, at
gumugulantang
ang pananahimik?
ayaw kong malunod, sa burak--sa lalim.
manikluhod, sa kawalan--sa artipisyal
na kundiman,
walang diwa ng
bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento