sa natatangi mong araw
aalayan kita ng isang rosas
huwag kang matakot, may dunong
ang iniwan mong mga taon
hindi ka matitinik sa aking handog
at huwag mong pipigilin
ang iyong pagkamangha
pagkat tumatanda nga tayo
ngunit nananatiling bata
ang ating mga puso
sa natatangi mong araw
aalayan kita ng isang rosas
mamulaklak sana tulad nito
ang mga ngiti
sa iyong labi
rosas itong puso kong sa iyo'y
tumatangi.
pa repost sir mj. tnx
TumugonBurahinsaan mo ni-repost?
TumugonBurahinsalamat sa pagbasa.
sa fb, sir. bertdey rin kasi ng aking kasintahan. salamat ulit. :-)
TumugonBurahin:)maligayang kaarawan sa kasintahan mo. :)
TumugonBurahinapir!