Sabado, Setyembre 22, 2012

Bakit

bakit ako ganito
at bakit ako nagkaganito...

mga tanong
at tanong lamang
sa dila

ng kahungkagan--

hindi mo kailanman makikilala
ang iyong sarili,
dahil lagi
at laging
ang ikaw

ay kinakawkaw

ng sumisibol na araw,

araw-
araw.


kay Jack

1 komento:

  1. tatlong araw na akong umiinom at payapa ang loob...salamat sa tula pare....tagay tayo....

    TumugonBurahin