Biyernes, Hunyo 24, 2011

Ang Paglakad Palayo


turuan mo akong maglakad
—palayo,
tulad nang kung paano mo
kinayang iwan
ang ating paglalakbay.

pagkat ngayon
—ngayon ay nanatili akong naglalakbay,
naglalakad sa iisang lugar,
walang usad  at mugto
sa tatahakin
sana nating landas.

turuan mo akong maglakad
—palayo

sa iyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento