Biyernes, Hunyo 24, 2011

Tiwakal


Kung naglaho ang luhang naglandas sa pisngi
Nagbanyuhay bilang hangin sa gabi
Umimbulog, tumabi
Sa kumpol ng mga ulap na namimighati

Kung naglaho ang luhang naglandas sa pisngi


Ito kaya’y maging ulan sa lawak ng gabi—
Magbabanlaw, maghuhuhugas ng dugo sa labi?
Maging katas kaya ng lunting kalamansi
Susuot sa sugat—eternal na hapdi?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento