Patayin natin ang bagot,
Hahawakan ko ang iyong labi
Habang papigtal-pigtal
Ang iyong hininga
Sabunot sa aking buhok
Kalmot sa aking batok
Sasaksakin kita ng mga halik
Saan man umabot itong sidhi at pusok,
Hahayaan kitang sumigaw, pumalahaw
Umimpit ng tinig
Musika ang lahat mong sasabihin
Pag-alunin ang ating mga puson
Walang bukas, mamaya, o kahapon
Sumayaw ka sa ibabaw ng aking dibdib
Turuan nating makinig ang lamig
Sa init at apoy nitong maligalig na pag-ibig
Nakawin natin ang lahat ng sandali
Tayo ang awit sa tahimik na silid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento