Biyernes, Hunyo 24, 2011

Antabay


Tumatabing sa iyong mukha, Bituin,
ang mga ulap na nagluluwal ng bubog.
Na sumasaksak, sagad, sa aking pananalig,
na di ka kayang itaboy ng kahit anumang
ilusyon at paninidhi.

Hayaang tingalain ko ang langit, Bitiuin.
Bubutasin ng aking pananalig
ang matatabing na ulap. Huwag lamang
sundangin ng mga bubog
tagos ang aking talukap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento