Biyernes, Hunyo 24, 2011

Sa Iyong Harapan


Kung makikita kita,
ngayon, sa daang
katapat nitong berandang
kinalugmukan
ng aking salamisim
Kung makikita kita—ikaw
na minamahal ko ang kabuuan—
daraan at tatanawin
ang beranda
at magtatama
ang ating mga mata,
Kung mangyari ito,
tatalon ako—patungo sa iyo—
mulang beranda
habang nagtatama ang ating
paningin.

Dadamhin ang haplos ng hangin.
Hihiwain ang mga puwang
sa pagitan natin.

Huwag mo akong sasaluhin,
gusto kong pumanaw
—sa iyong harapan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento