Biyernes, Hunyo 24, 2011

Lusong


Halika, lumusong kata sa ilog ng gunita.
Kawkawin nata ang umaagos na alaala.
Titigan, sa pisngi ng ilog,
sarili natang pinagod ng panahon.

Maglaro kata sa ilog.
Pahalikin sa iyon natatanging mukha
maligamgam na agos ng alaala.
Sabay natang tuklasin ang paraan ng paglaya,

dito sa ilog ng gunita. Sabay katang umahon
at tumalunton sa nagsangang direksiyon
ng ating paglimot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento