Biyernes, Hunyo 24, 2011

Hibang



Hibang na siya
sa pangungumbinsi
sa sariling may mga bukas
na maaaring maging kasalukuyan
ang  nakaraan.

Hibang na siya
sa pangungulila.

Hindi niya batid
na sa dako
ng kaniyang hinihintay,
umaalulong
ang malungkot
na himig
ng simboryo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento