Biyernes, Hunyo 24, 2011

Telang


sana
ito na
ang huling tulang
babanggitin ko
ang langit at bitiun
ang mga bakas
ng nakaraang ibinulid
sa hangin
ito na
sana
ang huling tulang
sasalamin
sa lahat ng ulila kong
damdamin

lunurin nawa ako
ng sariling ilusyon
apdo sa pagkatao
lason sa dugo

…ito.
…ang huling tulang…
…tungkol sa iyo…
Sana

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento