parang malungkot na ubo
ang garalgal ng lumang bentilador,
nagkukubli sa likod ng makutim na ulap
ang araw na sumulpot-mawala.
isang hapon ito ng kawalan--
ligaw sa lakbay ng hangin sa ulunan.
nagsasa-awitin ang garalgal ng benti-
lador na dumadatal sa kuweba
ng aking tainga.
dahil mas tiyak ang ubo
ng lumang bentilador--
garalgal ng katuturan
at naghihintay ng katapusang
takda ng alikabok at panahon.
marinig ko nawa, damhin ko sana,
ang mga baka-sakali
at bahala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento