Sinabi ng Bibliya,
pinarami ni Kristo ang tinapay
at isda para sa mga tao.
Kung ganoon, mahusay ang ginawa niya
at sa gawaing ito'y mas kahanga-hanga siya
kaysa sa dakilang heneral
na napagwagian ang laksang labanang
hindi mabilang ang napaslang
na maralita.
Sa kasalukuyan, ang mga Amer'kano,
upang masupil ang pagpaparami
ng pandesal at tinapa
at upang magdusa
ang lahat nang walang pagtutol,
ang kalkuladong-laksang kagutuman
na bahagi
ng isang malaking negosyo'y
nagluluwal-lumilikha
nang mas maraming Bibliyang
isinalin sa wika at diyalektong gamit
naming mga maralita
at ipinadala sa amin
tangan ng mga mamang naka-amerkana't
mapang-akit
ang ngiti
na puspusang sinanay
ng kanilang dakilang heneral.
*halaw sa On Biblical Business ni Roque Dalton
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento