Sabado, Hulyo 14, 2012

Uno


May mga mata silang nagngangalit
Nakikita ko roon ang bolang apoy
Balintataw
Titig ng katanghaling araw
Mga nagpupuyos na sibat
Ng sigasig at pangungumbinsi
Dila ng alipatong humahalik sa balat
Ng nagla  l    a     m      a       t kong alinlangang
Binubuwag
Ng dikta
Ng u
      g
      a
      t

Bakit tayo naghahanap ng lilim
Gayong sa araw sumasampalataya ang ating mga dugo
Sa mga tanghaling mapagparaya ang araw, ang hari

Naghihintay                                  ang mga dapit-hapon
Mga talukap-matang lalagom
Sa anumang init ng hangarin
Bolang apoy na babasagin ng dilim
Tila niyebeng naglusaw sa palad

Silang isang gabi’y tiyak
Na magkukumot
Sa mga mata nilang inililigaw
Ng liwanag

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento