Sabado, Hulyo 14, 2012

Gising

hindi kita kilala, Arman, hindi kita kilala, Darwin
ngunit ang mukha ninyo'y mukha ng marami pang mukha.

mga mukhang nakahanay sa kasaysayan.
mga mukhang ipinamumukha sa amin

na ang aming mga ilong, tainga, mata at labi
ay ilong, mata, tainga at labi lamang.

itong tulang ito ay hindi pag-aalay, o elehiya
para sa dakila ninyongtayog na likha ng makauring-digmaan,

ito'y salamin, isang tapik, sa akin, at sa kanilang nakaupo
sa pansitan ng talinghaga

at inaantok.


--kay Arman Albarillo at Darwin Amay, mga Bayani ng Sambayanan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento