...Parang mga makatang labis na naaaliw sa pagkatula ng kanilang tula at walang pakialam sa damdamin at pag-unawa ng mambabasa. --Reuel Aguila
(aaminin ko, oo, minsan
oo, minsan, wala akong
pakialam sa damdamin
at u na wang u mu nawa ng mam
ba
ba
sa
bagsak sa pamantayan ko ang kanilang
kakayahan na umintindi, intindihin
ng ,ang
metapora, simile, paradox, irony
prosody: metro ritmo intonasyon
mga pantigan at patnigan
tetrahexaiambicdactyltrocheeanapestspondeepyrrhic
tugmaan ballad villanellle oda soneto
jintishi haiku tanka
ghazal bersolibre
assonance consonance aliterasyon
estropa couplettripletquatrain
hindi nila ito magagagap bakit ko ilalantad sa kanila
ang aking nalalasahan ni nadarama nakikita ni
nalalanghap
indibidwal at personal ang lahat lahat
sa akin
may musa akong pinagsisilbihan
ano pa't naging makata?
ang tula ko'y tula at tula
lamang
wala akong pakialam. walang makikialam.
...for art's sake!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento