hindi ito mendiola...
--tulay, daan, pa
nu
lu
kan
hindi ito kanto hindi tipak ng aspalto
hindi daanan ng mga mapuputing paa
la
mang
hindi tambayan ng kapulisan
hinding-hindi landas sa matatag na ekonomiya
hindi tagpuan
hindi tripping zone
hinding-hindi beda jollibee
security bank baste UE centro escolar
hindi tropical hut mang inasal hindi cctv hot-spot
hindi lugar hindi ito mendiola...
hindi ito arko ng
kapa
yapa
an
hindi barbwayr prone area
hindi ito tarangkahan ng palasyo
hindi ito kuta ng gobyerno
hindi dito ang teritoryo
ng mga gahaman
hinding-hindi ito dapat pinagsasarhan
hindi ito mendiola...
--tulay, daan, pa nu lu kan
ito/dito a/ng digma/an
ng uri
sa pananagumpay
ng laksa-laksang duhagi api.
hindi ito mendio/la
mang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento