Mga Sigwa at Agos
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Sabado, Enero 28, 2012
Melankolya*
tiningnan niya bilang sugat
ang lipas, kahapon, nagdaan
peklat ang mga gunitang nalagas
nasaan ang ngayon kinain ng bukas
tiyak na walang katiyakan ang kanyang
hinaharap/pangarap
sumiklab ang digmaan sa mata at humilab
tiyang tila pakwan bumilog na kalamnan
ang hangganan
gugunitain ang sugat bilang peklat bilang bakas
na/ng bukas
may balaraw na hahalik
sa leeg
padaskol na sisirit sambulat
ang maligaya niyang dugo
sugat at sugat ang buo niyang pagkatao.
*kay Jack
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Mas Bagong Post
Mga Lumang Post
Home
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento