Mga Sigwa at Agos
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Sabado, Enero 28, 2012
Kung Ita-tag Mo Sila, Makikilala Kang Makata At Sisikat Sa Tula
siyento-porsyento, garantisado makakukuha ka
ng mga mata at daliri at makaiintindi sa
tula mong tumatalakay sa alienation at sa kailaliman
ng soul at ego at ng angst at metapisikal something
ng malalalim mong tugmaan
proseso: itaya mo muna ang hiya, umangkas
sa balikat ng namamayagpag na makata sa FB
add as friend hintayin mong makilala ka niya then
penetrate his/her world, virtual world tandaan mong tulay
ang kaniyang pangalan kilalanin mo ang kaniyang kaibigan
add them as a friend at matutong mag-tag
tag-tag-tag-tag-tag-tag-tag i-tag
ang tula mong nakangiti
at nagsasayaw sa hangin ng ilusyon at ma hika wait a minute
like is like a likeable thing
aangat ang ego at ang angst at ang confidence mo
makakainuman mo ang iyong mga iniidolo inside the literary scene
ng Philippine Pilipinas Pilipino Filipino
malaki ang chance waiting for godot masusungkit mo
ang grandest ever award basta't tandaan alisin mo muna ang hiya
walang hiya-hiya at delikadesa at kung anu-ano pang dahilan
upang mapigilan kang mamayagpag hello hello hey hi
ang tula ay kahalihalina kung ihahain sa kailaliman ng lupa
at itatabi sa kepler 22b ang tula ay tulay na tuluy-tuloy sa tuluyang
like like like is like a likeable thing
kung matututo ka lamang mag-tag
babasahin ka di nga comments and suggestions positibo
negatibo kakatamin ka yeso ba o marmol narra pa
lo tsi na
siyento-porsyento, garantisado makakukuha ka
ng mga mata at daliri at makaiintindi sa
tula mong tumatalakay sa alienation at sa kailaliman
ng soul at ego at ng angst at metapisikal something
ng malalalim mong tugmaan
manalig
naghihintay ang stardom.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Mas Bagong Post
Mga Lumang Post
Home
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento