tulad ng pagtula, kailangan mong sinupin ang mga salita,
piliin ang nararapat
hindi basta-bastang paghawi ng mga kalat
agiw
alikabok
tukuyin ang talagang maibabasura
ang kulumpol ng mga nagbuhol na buhok
balat ng kendi, nagdurog na bato,
ang mga tuyong dahon ay pampabulas ng puno
kawangis ng pagpipinta,
ang pagwawalis ay di basta-basta
ang hagod ng pinsel sa paleta
bago ihalik sa kanbas
ay tulad din ng paghalik ng tambo
o tingting, sa sahig o bambang
marahan, hindi madalian
alamin ang tamang haplos
ang kampay ng kamay
ang halo ng mga kulay
at tulad ng pagkatha, may sinusunod na mga batas
ang pagwawalis
may karakter ang bawat dumi
may karanasan ang bawat lapag
hindi kaya ng tambo ang basang semento
hindi kaya ng tingting ang maliliit na buhangin
sa tahanan o eskuwelahan
may sinusunod na paraan
may simula at katapusan
pwedeng mula kusina palabas ng bahay
o mulang tarangkahan hanggang kasilyas
ang sining ng pagwawalis ay di basta-basta
ikaw ang bahala, pero bawal ang saka na
lalamunin ka ng alikabok
lulunukin ng basura
kung laging may patay
sa kapitbahay.
"Ang Tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat." --Roque Dalton, salin ni Rogelio Ordoñez
Sabado, Hulyo 14, 2012
Pagsasanib
Sa
tuwinang
magpaparamdam
ang ulan
Una
kang
remerehistro
sa isipan
Tayong
dalawa,
nagsasanib
na katawan
Saysay
Aaminin ko may mga pagkakataong
Iniisip ko kung ilapat ko kaya
Sa sariling mga kamay ang pagtutuldok
Sa sariling hininga
Sa walang tumpak, tiyak na dahilan
Walang bahid ng paninimdim o malalim
Na lungkot at pangungulila
Sumasagi ang mga bungo ng lason
Na mananakmal ng lalamunan at sikmura
Patalim na hahalik sa pulso
Lubid na yayakap sa liig
Gaano kalamig ang ilog
At anong damdamin at mga gunita
Ang magsusulputan sa aking harapan
Habang ragasa ang hampas ng hangin
Sa katawang pabulusok sa semento
Patintero
Sa tren o kotse
Punglong hihimay sa utak
Bungong magbibiyak
Aaminin kong sumasagi
Ang mga tahimik
Na sandali
Ng pagninilay sa pagitan
Ng unang titik
Ng tula hanggang sa huling
Tuldok ng talinghaga
Ngunit sa bawat sandaling ito
Ng eksistensyal na pakikibuno--
Isang yabang sa ugat
Eksistensyal na asersyon ng kalayaan
Tanong sa tanong sa tanong--
Mga sandali itong sinasangga
Hinaharang ng isang balitang
Matagal ko nang nabasa sa diyaryo
Naaalaala ko
Iyong ale sa Juan Luna,
Sa Divisoria
Na isang umagang nagliliyab ang bati
Ng araw
Ay walang anu-anong napugutan ng ulo:
Isang dispalinghadong salamin ng bintana
Sa ituktok ng gusaling KP
Ang bumulusok
At pumuntirya
Sa liig ng aleng magalak na nagwawalis
Isang umagang nagliliyab ang bati
Ng araw
Isang umaga iyong marahil ay nag-aalmusal
Ako, isang tasang kape at pandesal,
Matapos tulugan
Ang isa sa mga pribilehiyong-gabing
Eksistensyal.
Iniisip ko kung ilapat ko kaya
Sa sariling mga kamay ang pagtutuldok
Sa sariling hininga
Sa walang tumpak, tiyak na dahilan
Walang bahid ng paninimdim o malalim
Na lungkot at pangungulila
Sumasagi ang mga bungo ng lason
Na mananakmal ng lalamunan at sikmura
Patalim na hahalik sa pulso
Lubid na yayakap sa liig
Gaano kalamig ang ilog
At anong damdamin at mga gunita
Ang magsusulputan sa aking harapan
Habang ragasa ang hampas ng hangin
Sa katawang pabulusok sa semento
Patintero
Sa tren o kotse
Punglong hihimay sa utak
Bungong magbibiyak
Aaminin kong sumasagi
Ang mga tahimik
Na sandali
Ng pagninilay sa pagitan
Ng unang titik
Ng tula hanggang sa huling
Tuldok ng talinghaga
Ngunit sa bawat sandaling ito
Ng eksistensyal na pakikibuno--
Isang yabang sa ugat
Eksistensyal na asersyon ng kalayaan
Tanong sa tanong sa tanong--
Mga sandali itong sinasangga
Hinaharang ng isang balitang
Matagal ko nang nabasa sa diyaryo
Naaalaala ko
Iyong ale sa Juan Luna,
Sa Divisoria
Na isang umagang nagliliyab ang bati
Ng araw
Ay walang anu-anong napugutan ng ulo:
Isang dispalinghadong salamin ng bintana
Sa ituktok ng gusaling KP
Ang bumulusok
At pumuntirya
Sa liig ng aleng magalak na nagwawalis
Isang umagang nagliliyab ang bati
Ng araw
Isang umaga iyong marahil ay nag-aalmusal
Ako, isang tasang kape at pandesal,
Matapos tulugan
Ang isa sa mga pribilehiyong-gabing
Eksistensyal.
Maynila, Mga Larawan Sa Gabi
Supot na natuyuan ng ragbi
Sa kamay ng nahihimbing na pipituhin
Sa Murphy, Cubao
Harurot ng mga sasakyang
Nakikipag-unahan sa luwang
Ng Aurora Blvd.
Magkasintahang lambing-lakad
Sa kahabaan ng Legarda at Recto
Mga bahagharing kandilang
Nangatunaw sa paligid ng Quiapo
Mapanghi’t kalawanging tulay ng Quezon
Nangungulilang ilog ng Pasig
Mga nangangambang pundasyon
Ng Post Office sa Lawton
Nilalamig, lumuting mga pader ng Intramuros
Namaluktot
Na pamilyang naghahati
Sa isang gulanit na kumot
Sa damuhan ng Rizal Park
Humihiwang liwanag ng mga posteng-ilaw
Sa kahabaan ng M.H. Del Pilar
Pulang lipistik sa tadyang ng dilim
Sa paligid
Ng simbahan ng Malate
Sa suluk-sulok ng Rajah Sulayman at Adriatico
Kamay na nakakuyom sa desperasyon at kawalan
Matandang gusgusing nangangalkal
Ng basura
Sa tapat ng inaantok nang kainang Aristocrat
Kulot na usok ng sigarilyong ibinuga
Ng lalaking nangangalabit ang pabango
Nakatalungko sa ilalim ng puno
Sa seawall ng Manila Bay
Masasayang hagikhikan at kuwentuhan
Ng kabataang pauwi mula Star City
Nakabibinging bangayan ng mga bar
Sa Harbor Square sa gilid ng CCP
Guwardiyang pinipigil ang antok
Nakatanod sa harap ng U.S. Embassy.
Watawat na may limampu’t isang bituin
Magalak na sumasayaw sa hangin.
Sa kamay ng nahihimbing na pipituhin
Sa Murphy, Cubao
Harurot ng mga sasakyang
Nakikipag-unahan sa luwang
Ng Aurora Blvd.
Magkasintahang lambing-lakad
Sa kahabaan ng Legarda at Recto
Mga bahagharing kandilang
Nangatunaw sa paligid ng Quiapo
Mapanghi’t kalawanging tulay ng Quezon
Nangungulilang ilog ng Pasig
Mga nangangambang pundasyon
Ng Post Office sa Lawton
Nilalamig, lumuting mga pader ng Intramuros
Namaluktot
Na pamilyang naghahati
Sa isang gulanit na kumot
Sa damuhan ng Rizal Park
Humihiwang liwanag ng mga posteng-ilaw
Sa kahabaan ng M.H. Del Pilar
Pulang lipistik sa tadyang ng dilim
Sa paligid
Ng simbahan ng Malate
Sa suluk-sulok ng Rajah Sulayman at Adriatico
Kamay na nakakuyom sa desperasyon at kawalan
Matandang gusgusing nangangalkal
Ng basura
Sa tapat ng inaantok nang kainang Aristocrat
Kulot na usok ng sigarilyong ibinuga
Ng lalaking nangangalabit ang pabango
Nakatalungko sa ilalim ng puno
Sa seawall ng Manila Bay
Masasayang hagikhikan at kuwentuhan
Ng kabataang pauwi mula Star City
Nakabibinging bangayan ng mga bar
Sa Harbor Square sa gilid ng CCP
Guwardiyang pinipigil ang antok
Nakatanod sa harap ng U.S. Embassy.
Watawat na may limampu’t isang bituin
Magalak na sumasayaw sa hangin.
Ang Babaing Sumasayaw Sa Harap Ng Isang Disco Bar Sa McArthur Highway
Ay mistulang manyikang de-baterya kung gumiling
Walang pagod-hayok na mga mata ang nagtitiyagang kumilatis
Sa kurbada ng kaniyang balakang, tambok ng puwit at pintog ng suso
Matipid na mga galaw at igkas ng mga kamay
Pinalalaya ng babae ang demonyong sumiping sa kanyang sentido
Nangangapal ang libag sa kanyang batok
At nanlilimahid ang ngiti sa kanyang labi
Sinasangga lamang ng blankong balintataw
Ang haplos ng mga bahagharing liwanag
Inililipad siya ng awiting iniluluwal ng garalgal na karaoke
Nagmimintis ang disco ball
Na hagurin ang kanyang giling, ang babaing ligaw
Sa kunsaang lupalop ng lungsod nagkukuta
Ang kaniyang mga gabi
Sa kunsaang sulok nananahan
Ang kaniyang mga umaga at tanghali
Kung anong kasaysayan at kuwento
Mayroon sa likod ng mga walang-malay na paggiling
Wala, wala tiyak ang makababatid ni makatuturol
Maliban sa isang supot ng pulang plastik
Na nagwasak-gitata sa siksikan ng ilang damit, kuwadro ng larawan
At isang laruang manyikang walang ulo.
Walang pagod-hayok na mga mata ang nagtitiyagang kumilatis
Sa kurbada ng kaniyang balakang, tambok ng puwit at pintog ng suso
Matipid na mga galaw at igkas ng mga kamay
Pinalalaya ng babae ang demonyong sumiping sa kanyang sentido
Nangangapal ang libag sa kanyang batok
At nanlilimahid ang ngiti sa kanyang labi
Sinasangga lamang ng blankong balintataw
Ang haplos ng mga bahagharing liwanag
Inililipad siya ng awiting iniluluwal ng garalgal na karaoke
Nagmimintis ang disco ball
Na hagurin ang kanyang giling, ang babaing ligaw
Sa kunsaang lupalop ng lungsod nagkukuta
Ang kaniyang mga gabi
Sa kunsaang sulok nananahan
Ang kaniyang mga umaga at tanghali
Kung anong kasaysayan at kuwento
Mayroon sa likod ng mga walang-malay na paggiling
Wala, wala tiyak ang makababatid ni makatuturol
Maliban sa isang supot ng pulang plastik
Na nagwasak-gitata sa siksikan ng ilang damit, kuwadro ng larawan
At isang laruang manyikang walang ulo.
Negosyong Bibliya
Sinabi ng Bibliya,
pinarami ni Kristo ang tinapay
at isda para sa mga tao.
Kung ganoon, mahusay ang ginawa niya
at sa gawaing ito'y mas kahanga-hanga siya
kaysa sa dakilang heneral
na napagwagian ang laksang labanang
hindi mabilang ang napaslang
na maralita.
Sa kasalukuyan, ang mga Amer'kano,
upang masupil ang pagpaparami
ng pandesal at tinapa
at upang magdusa
ang lahat nang walang pagtutol,
ang kalkuladong-laksang kagutuman
na bahagi
ng isang malaking negosyo'y
nagluluwal-lumilikha
nang mas maraming Bibliyang
isinalin sa wika at diyalektong gamit
naming mga maralita
at ipinadala sa amin
tangan ng mga mamang naka-amerkana't
mapang-akit
ang ngiti
na puspusang sinanay
ng kanilang dakilang heneral.
*halaw sa On Biblical Business ni Roque Dalton
pinarami ni Kristo ang tinapay
at isda para sa mga tao.
Kung ganoon, mahusay ang ginawa niya
at sa gawaing ito'y mas kahanga-hanga siya
kaysa sa dakilang heneral
na napagwagian ang laksang labanang
hindi mabilang ang napaslang
na maralita.
Sa kasalukuyan, ang mga Amer'kano,
upang masupil ang pagpaparami
ng pandesal at tinapa
at upang magdusa
ang lahat nang walang pagtutol,
ang kalkuladong-laksang kagutuman
na bahagi
ng isang malaking negosyo'y
nagluluwal-lumilikha
nang mas maraming Bibliyang
isinalin sa wika at diyalektong gamit
naming mga maralita
at ipinadala sa amin
tangan ng mga mamang naka-amerkana't
mapang-akit
ang ngiti
na puspusang sinanay
ng kanilang dakilang heneral.
*halaw sa On Biblical Business ni Roque Dalton
Pagsasara
Mayroong kakaunti sa pagkuha o pagbibigay,
Mayroon ring kakaunti sa tubig o alak;
Itong buhay na ito, ang buhay na ito, buhay
Kong ito ay hindi ko plano, hindi ko binalak.
Oo, mahirap na pagsusumikap, at malawak
Ang natatamo ng mga nasa ituktok,
Pagka't ang sining ay isang paghuhugas,
At ang pag-ibig ay palagiang nabubulok,
At ang trabaho'y isang bakang gatasan,
At ang pahinga'y laman ng mabagal na suso,
Kaya nga't inisip kong itigil na ang labanan--
Maari mo bang ituro sa akin ang landas pa-impyerno?
--halaw sa Coda ni Dorothy Parker
Mayroon ring kakaunti sa tubig o alak;
Itong buhay na ito, ang buhay na ito, buhay
Kong ito ay hindi ko plano, hindi ko binalak.
Oo, mahirap na pagsusumikap, at malawak
Ang natatamo ng mga nasa ituktok,
Pagka't ang sining ay isang paghuhugas,
At ang pag-ibig ay palagiang nabubulok,
At ang trabaho'y isang bakang gatasan,
At ang pahinga'y laman ng mabagal na suso,
Kaya nga't inisip kong itigil na ang labanan--
Maari mo bang ituro sa akin ang landas pa-impyerno?
--halaw sa Coda ni Dorothy Parker
Mga Linya Ka Sa Tula
mga linya ka sa tula
na hindi ko hahanapan
ng sukat, ng tugma
pananatilihin kitang malaya
sa porma, sa talinghaga
pagkat alam kong akin
ka mula espasyo hanggang
salita,
akin ka, sa dulo at simula.
na hindi ko hahanapan
ng sukat, ng tugma
pananatilihin kitang malaya
sa porma, sa talinghaga
pagkat alam kong akin
ka mula espasyo hanggang
salita,
akin ka, sa dulo at simula.
Awit Ng Ulap At Pilik-mata
ganitong gabi ang gusto kong gabi,
may kaunting ingay na nagsusulputan
sa paligid na parang kabuteng umuusbong
sa nabubulok na sanga sa gubat--
may matining na boses ng batang di pa
iaantok at humahabol ng laro
sa bakante nang lansangan,
kalansing ng mga tansan sa kunsaan,
pingkian ng mga tagayang-baso
sa pinakadulong kanto ng kalyehon,
iisang notang awit ng bentilador,
buga ng tambutso ng humarurot na motor,
awit ng gagambang humahabi ng sapot,
paisa-isang patak sa gripong sirain,
hikbi ng nagdadalagang pusa,
palakpak ng mga dahon at sipol ng hanging
maalinsangan,
hilik ng lalaki sa ilalim ng posteng sira,
kaskas ng kuko ng daga
sa ilalim ng kama,
bulungan ng mga anay,
awit ng ulap at pilik-mata--
sadyang ito ang gabing hinahanap ko
pagkat ayaw ko iyong maski anino
ay nakatikom o
iyong maging ang mga kurtina'y parang
mabigat na sako ng bigas sa sulok
ng imbakan;
dahil ito ang gabing ramdam kong
tahimik ang gabi at rinig ko
ang haplos ng daigdig
na malaon ay iiwan ko,
nang walang paalam.
may kaunting ingay na nagsusulputan
sa paligid na parang kabuteng umuusbong
sa nabubulok na sanga sa gubat--
may matining na boses ng batang di pa
iaantok at humahabol ng laro
sa bakante nang lansangan,
kalansing ng mga tansan sa kunsaan,
pingkian ng mga tagayang-baso
sa pinakadulong kanto ng kalyehon,
iisang notang awit ng bentilador,
buga ng tambutso ng humarurot na motor,
awit ng gagambang humahabi ng sapot,
paisa-isang patak sa gripong sirain,
hikbi ng nagdadalagang pusa,
palakpak ng mga dahon at sipol ng hanging
maalinsangan,
hilik ng lalaki sa ilalim ng posteng sira,
kaskas ng kuko ng daga
sa ilalim ng kama,
bulungan ng mga anay,
awit ng ulap at pilik-mata--
sadyang ito ang gabing hinahanap ko
pagkat ayaw ko iyong maski anino
ay nakatikom o
iyong maging ang mga kurtina'y parang
mabigat na sako ng bigas sa sulok
ng imbakan;
dahil ito ang gabing ramdam kong
tahimik ang gabi at rinig ko
ang haplos ng daigdig
na malaon ay iiwan ko,
nang walang paalam.
Sa Noo Ng Estado Nakaukit Ang Salitang Kaaway
Makailang ulit na ring nagpipilas ng listahan
ang estadong ito.
Listahang nanggigitata
sa dugo at amoy ng pulburang nanunulasok
sa kurtadong utak ng mga kriminal
na nagpapanggap na tagapagtanggol ng laya
at sambayanan.
Makailang ulit ng pag-iimprenta,
makailang ulit ng pag-aaksaya
ng mga papel sa pag-uukit ng mga pangalang
tinatakan ng
Kaaway ng Bayan.
Ano ang kaaaway at ano ang bayan
sa kanilang pakahulugan?
Malaking dagang ngumangatngat sa kanilang damit?
Anay sa haligi? Langaw sa bunganga ng mangkok?
Ano ang bayan at ano ang kaaway
sa kanilang pagkakaintindi?
Isang maaksyongpelikula? Isang pangangaso
sa kasukalan?
Isang katayang aataduhin ang mga mahuhuli?
Makailang ulit na ganito at ganito lamang
ang huwisyo ng estado. Labu-labo at balighong
katotohahan ipinamamarali sa madla.
Sino nga ba itong
tinatatakan na
Kaaway ng Bayan?
Kaaway ba ang nakadadaupang palad
ang mga magsasaka nang hindi kinatatakutan
ni pinangingilagan? Kaaway ba ang umaaararo
ng tiningkal? Kaaway ba ang matapat
na naglilingkod sa interes ng aping-sambayanan?
Makaulit nang napagtibay ng kasaysayan
na ang tinatakang kaaway ay hindi kaaway
at ang tagapagtanggol ay mga asong ulol
na kasangkapan ng estadong nauulol.
Makailang ulit na susunugin ang mga listahang ito,
at sa pagkakataong maabo ang dapat nang maabo
iuukit natin sa noo ng baluktot na estado
ang mga salitang
"Kami ang kaaway."
Kumpesyon
marami akong gustong isiwalat
tungkol sa aking panulat
na sa totoo lamang ay matagal-
tagal na ring bumabagabag
parang libag sa batok, parang kati
sa anit. pagkarami-raming nagtambak
na hindi ko na yata maiisa-isa pa,
pero sisikapin kong ilatag nang
dahan-dahan na tila unan na
ihihilera sa nagkulob-amoy na banig,
saka hihigaan at paniniwalain
ang sariling nakahiga ako sa kutson,
sa ulap ng mga salita, sa marikit
na hardin ng panulaan,
uumpisahan ko sa pag-amin
na--teka, nabanggit ko na ba
kung bakit ako nagtutula? hindi pa?
sige, maikuwento ko lang sandali;
dati, noong tila bubuwit pa lamang
akong nagkakandi-kandirit sa rampus
ng tondohayskul, tagaktak-pawis
at mukhang tanga sa panggigitata
ng polong ginusot ng harot at takbuhan,
laging naglalaro sa aking isip ang ngiti
ni Maria, siya ang babaing nagpapata-
meme sa akin tuwing maligalig akong
tila butete at nagbibida-tropa,
sinulatan ko siya ng tula
tungkol sa kanyang ngiting tila
buwan sa rilag at matang parang
bituin sa ningning kapag kinukurot
ng sinag ng araw, ang maalon niyang
buhok na parang usok ng yosing nangulot
sa hangin; oo, tinulaan ko siya,
inilagay sa sobreng mumurahin
at hinintay ang balemtayms upang maibigay
na ipaaabot ko na lang sana
sa isang katropa pero, mayabang kong inako
dahil ako naman ang gumawa ng tula,
at ayaw ko talaga ng mga tulay-tulay,
kamukat-mukat, maaliwalas ang ngiti niya
nang tanggapin niya ang tulang-sulat
na pinagpuyatan kong bunuin, kamukat-
mukat, walang anu-anong nabakli
ang lapis at humawak ako ng bolpen
at sumulat ng iba pang tula, na hindi
na lamang para sa kanya, kay Maria,
kundi para na rin sa natutulog na bata
sa bangketa; kamukat-mukat, pumailanlang
ang mga salita at nakisalo sa hininga
ng bundok at sapa, estero at aspalto;
aywan, baka misteryo
itong naganap, pero mabait ang langit
para suklian ako ng mga talinghaga at
largabistang tumatagos sa telon ng
huwad na lipunan--
wala naman talaga akong gustong isiwalat
maliban sa gusto ko lang tumula nang
ganito na parang kausap lamang kita,
patangu-tango, pangiti-ngiti
maliban sa gusto ko kasing magnakaw
ng aklat na di ko aamining nagawa
ko na, ang The Art of War ni Sun Tzu.
tungkol sa aking panulat
na sa totoo lamang ay matagal-
tagal na ring bumabagabag
parang libag sa batok, parang kati
sa anit. pagkarami-raming nagtambak
na hindi ko na yata maiisa-isa pa,
pero sisikapin kong ilatag nang
dahan-dahan na tila unan na
ihihilera sa nagkulob-amoy na banig,
saka hihigaan at paniniwalain
ang sariling nakahiga ako sa kutson,
sa ulap ng mga salita, sa marikit
na hardin ng panulaan,
uumpisahan ko sa pag-amin
na--teka, nabanggit ko na ba
kung bakit ako nagtutula? hindi pa?
sige, maikuwento ko lang sandali;
dati, noong tila bubuwit pa lamang
akong nagkakandi-kandirit sa rampus
ng tondohayskul, tagaktak-pawis
at mukhang tanga sa panggigitata
ng polong ginusot ng harot at takbuhan,
laging naglalaro sa aking isip ang ngiti
ni Maria, siya ang babaing nagpapata-
meme sa akin tuwing maligalig akong
tila butete at nagbibida-tropa,
sinulatan ko siya ng tula
tungkol sa kanyang ngiting tila
buwan sa rilag at matang parang
bituin sa ningning kapag kinukurot
ng sinag ng araw, ang maalon niyang
buhok na parang usok ng yosing nangulot
sa hangin; oo, tinulaan ko siya,
inilagay sa sobreng mumurahin
at hinintay ang balemtayms upang maibigay
na ipaaabot ko na lang sana
sa isang katropa pero, mayabang kong inako
dahil ako naman ang gumawa ng tula,
at ayaw ko talaga ng mga tulay-tulay,
kamukat-mukat, maaliwalas ang ngiti niya
nang tanggapin niya ang tulang-sulat
na pinagpuyatan kong bunuin, kamukat-
mukat, walang anu-anong nabakli
ang lapis at humawak ako ng bolpen
at sumulat ng iba pang tula, na hindi
na lamang para sa kanya, kay Maria,
kundi para na rin sa natutulog na bata
sa bangketa; kamukat-mukat, pumailanlang
ang mga salita at nakisalo sa hininga
ng bundok at sapa, estero at aspalto;
aywan, baka misteryo
itong naganap, pero mabait ang langit
para suklian ako ng mga talinghaga at
largabistang tumatagos sa telon ng
huwad na lipunan--
wala naman talaga akong gustong isiwalat
maliban sa gusto ko lang tumula nang
ganito na parang kausap lamang kita,
patangu-tango, pangiti-ngiti
maliban sa gusto ko kasing magnakaw
ng aklat na di ko aamining nagawa
ko na, ang The Art of War ni Sun Tzu.
Libing
bihira lamang kung matagpuan kita
o ng aking talampakan.
patuldok-tuldok lamang ang daplis
mo sa kalunsuran.
hindi sa iniiwasan kita; ako'y anak
ng semento at aspalto,
kaya't di makilala ng aking sakong
ang pag-ibig mo.
nakikiramdam ang aking dibdib
at mga kalamnan,
malapit na tayong magtagpo
hindi lamang talampakan
kundi ang lahat-lahat,
buto't laman
at ang aking kawalan.
o ng aking talampakan.
patuldok-tuldok lamang ang daplis
mo sa kalunsuran.
hindi sa iniiwasan kita; ako'y anak
ng semento at aspalto,
kaya't di makilala ng aking sakong
ang pag-ibig mo.
nakikiramdam ang aking dibdib
at mga kalamnan,
malapit na tayong magtagpo
hindi lamang talampakan
kundi ang lahat-lahat,
buto't laman
at ang aking kawalan.
Writer's Block
ang sikdo ng mga titik na nagdaragsaan
sa utak at daliri, magalak kong pinagtagpi-tagpi
nang unti-unti, bago ilagak itong mga susunod
na salita'y ikaapat na linya lamang ang mapapala
sa utak at daliri, magalak kong pinagtagpi-tagpi
nang unti-unti, bago ilagak itong mga susunod
na salita'y ikaapat na linya lamang ang mapapala
Gising
hindi kita kilala, Arman, hindi kita kilala, Darwin
ngunit ang mukha ninyo'y mukha ng marami pang mukha.
mga mukhang nakahanay sa kasaysayan.
mga mukhang ipinamumukha sa amin
na ang aming mga ilong, tainga, mata at labi
ay ilong, mata, tainga at labi lamang.
itong tulang ito ay hindi pag-aalay, o elehiya
para sa dakila ninyongtayog na likha ng makauring-digmaan,
ito'y salamin, isang tapik, sa akin, at sa kanilang nakaupo
sa pansitan ng talinghaga
at inaantok.
--kay Arman Albarillo at Darwin Amay, mga Bayani ng Sambayanan
ngunit ang mukha ninyo'y mukha ng marami pang mukha.
mga mukhang nakahanay sa kasaysayan.
mga mukhang ipinamumukha sa amin
na ang aming mga ilong, tainga, mata at labi
ay ilong, mata, tainga at labi lamang.
itong tulang ito ay hindi pag-aalay, o elehiya
para sa dakila ninyongtayog na likha ng makauring-digmaan,
ito'y salamin, isang tapik, sa akin, at sa kanilang nakaupo
sa pansitan ng talinghaga
at inaantok.
--kay Arman Albarillo at Darwin Amay, mga Bayani ng Sambayanan
Tikom
Naniniwala ako sa bisa ng katahimikan
Tulog na asong-ulol sa gilid ng lansangan
Pusang matimpi, marahan sa lakad at titigan
Gagambang nag-aabang ng biktimang sasaputan
Naniniwala ako sa bisa ng katahimikan
Nahihiyang kindat ng bituin, nakasabit na buwan
Kalawanging bubong na binugbog ng ulan
Balkonaheng malungkutin, bintanang sugatan
Naniniwala ako sa bisa ng katahimikan
Nagtuyong-laway ng sanggol sa duyan
Pananalig ng inang naghihintay ng liham-kasagutan
Ng amang nagpaalam, tutungong kanayunan.
Tulog na asong-ulol sa gilid ng lansangan
Pusang matimpi, marahan sa lakad at titigan
Gagambang nag-aabang ng biktimang sasaputan
Naniniwala ako sa bisa ng katahimikan
Nahihiyang kindat ng bituin, nakasabit na buwan
Kalawanging bubong na binugbog ng ulan
Balkonaheng malungkutin, bintanang sugatan
Naniniwala ako sa bisa ng katahimikan
Nagtuyong-laway ng sanggol sa duyan
Pananalig ng inang naghihintay ng liham-kasagutan
Ng amang nagpaalam, tutungong kanayunan.
Senyal
Senyal ng pag-asa ang nagtiim na kamaong
Nagtututuldukan sa hangin--
Pahiwatig ng tining sa nagburak na kasalukuyan,
Bahagharing maglaho ma’y nagrikit, sumilip.
Mga sibol sa siwang ng nagwasak na gusali,
Matindig na pundasyon
Ng nagbukbok na bahay-na-bato--
Huwag mong babalewalain ang senyal na ito,
Dahil sila ang kamay na mag-aahon
Sa iyo,
Sa kalbaryo.
Nagtututuldukan sa hangin--
Pahiwatig ng tining sa nagburak na kasalukuyan,
Bahagharing maglaho ma’y nagrikit, sumilip.
Mga sibol sa siwang ng nagwasak na gusali,
Matindig na pundasyon
Ng nagbukbok na bahay-na-bato--
Huwag mong babalewalain ang senyal na ito,
Dahil sila ang kamay na mag-aahon
Sa iyo,
Sa kalbaryo.
Kung Bakit Laging May Away At Ayaw
Kung bakit laging may away at ayaw
Sa mga panahong inakala mong mabulaklak
Ang halamanan sa hardin Kung bakit
May ayaw at away sa pagitan ng mga siwang
Ng ugat na nagsala-salabat sa loob ng dibdib
Kung bakit laging away at ayaw ang sumisibol
Sa gitna ng katahimikang nanalig kang paraiso
Kung bakit may ayaw at away na hindi
Nagtatapos sa pagkakabati Kung bakit
Laging may away at ayaw ang mga naisin
At kapayapaan Kung bakit may ayaw at away
Ang lahat ng pinaniniwalaan mong walang hanggan
Kung bakit itinatanong mo ito at paulit-ulit
Lamang ang bakit ayaw away kung
Wala akong maitutugon ni maisasagot maliban
Sa ayaw kong awayin ang katiyakang ito ang ito
Kung bakit laging may away at ayaw Kung
Bakit may ayaw at away Kung bakit laging ganito
--kay Jack
Sa mga panahong inakala mong mabulaklak
Ang halamanan sa hardin Kung bakit
May ayaw at away sa pagitan ng mga siwang
Ng ugat na nagsala-salabat sa loob ng dibdib
Kung bakit laging away at ayaw ang sumisibol
Sa gitna ng katahimikang nanalig kang paraiso
Kung bakit may ayaw at away na hindi
Nagtatapos sa pagkakabati Kung bakit
Laging may away at ayaw ang mga naisin
At kapayapaan Kung bakit may ayaw at away
Ang lahat ng pinaniniwalaan mong walang hanggan
Kung bakit itinatanong mo ito at paulit-ulit
Lamang ang bakit ayaw away kung
Wala akong maitutugon ni maisasagot maliban
Sa ayaw kong awayin ang katiyakang ito ang ito
Kung bakit laging may away at ayaw Kung
Bakit may ayaw at away Kung bakit laging ganito
--kay Jack
Uno
May mga mata silang nagngangalit
Nakikita ko roon ang bolang apoy
Balintataw
Titig ng katanghaling araw
Mga nagpupuyos na sibat
Ng sigasig at pangungumbinsi
Dila ng alipatong humahalik sa balat
Ng nagla l a m a t kong alinlangang
Binubuwag
Ng dikta
Ng u
g
a
t
Bakit tayo naghahanap ng lilim
Gayong sa araw sumasampalataya ang ating mga dugo
Sa mga tanghaling mapagparaya ang araw, ang hari
Naghihintay ang mga dapit-hapon
Mga talukap-matang lalagom
Sa anumang init ng hangarin
Bolang apoy na babasagin ng dilim
Tila niyebeng naglusaw sa palad
Silang isang gabi’y tiyak
Na magkukumot
Sa mga mata nilang inililigaw
Ng liwanag
Blanko
boring ang white screen
endless titig
waiting sa muse para kalabitin
ang creative side ng brain
unti-unti
parang langgam na nagsusulputan
sa puting buhangin ng asukal
sa boring
white
screen
ang mga letra
at bantas
non-sense tumula nang tula
lang
common-sense
"para kanino?"
mankind is a piece of shit
how about humane, humankind
sangkatauhan?
the great planet earth
white boring screen/space
space is black
war!
peace!
enough! ENOUGH! ENaf!
kindness please, 'tol!
tula
la.
Dagli 5
Nakaupo siya sa bench
sa ilalim ng mabulas na puno.
Indian sit--
katabi ang aklat na Toward A New Poetry
ni Diane Wakowski
na tinamad na niyang basahin,
matapos ang chapter na pinamagatang
Form is the Extension of the Content.
Umaambon.
Kinunulit ng pipit ang puwit ng puting aso.
Nagtatawanan ang mga estudyanteng pauwi.
Sa langit, mas nangingitim ang mga ulap.
Madali siyang tumayo, masakit na ang puwit niya,
tulad marahil ng sa asong puti.
Papalayo sa bench,
nalulusaw ang mga kahapon.
Magalak siyang pupunta sa hinaharap.
sa ilalim ng mabulas na puno.
Indian sit--
katabi ang aklat na Toward A New Poetry
ni Diane Wakowski
na tinamad na niyang basahin,
matapos ang chapter na pinamagatang
Form is the Extension of the Content.
Umaambon.
Kinunulit ng pipit ang puwit ng puting aso.
Nagtatawanan ang mga estudyanteng pauwi.
Sa langit, mas nangingitim ang mga ulap.
Madali siyang tumayo, masakit na ang puwit niya,
tulad marahil ng sa asong puti.
Papalayo sa bench,
nalulusaw ang mga kahapon.
Magalak siyang pupunta sa hinaharap.
Kasalang Bayan
Bride: Ako, si Athena Curacha Pinagpala
na nguso'y parang sumabog na tiyan ng tilapia.
Ilong na tila napitpit ng galit na martilyo,
noong pwedeng lapagan ng sampung eroplano.
Mata ko'y walang ipinag-iba sa butiki,
kutis ko'y maihahambing sa balat ng paniki.
Mala-buhok-ng-mais nagsisitubo sa aking anit,
pisnging maumbok nga'y tighiyawat nagsisisingit.
Balakang ko'y singkitid ng madulas naming eskinita,
hitang singpayat ng nabulok na sanga ng papaya.
Tuhod na sinumpa sa libu-libong sensilyo.
Sakong ko'y nagbakbak sa alipunga at kalyo.
Groom: Ako naman, si Elvis Dimaano Dela Cruz,
paang mukha nang luya'y suki pa ng paltos.
Binti ko'y tinadtad ng buni, pigsa at galis,
hitang pinanay ng sugat, an-an at gurlis.
Walang pandesal itong tiyan kong nag-impis
na ayaw ko ma'y madalas lamanan ng panis.
Dibdib ko'y isang kanbas na pinagpraktisang tatuan
ng mga kaibigang namberwan sa sugalan at lasingan.
Mga kamay ko'y maiiksi nakomang pa ang kaliwa,
balat na singkulay ng manibalang na chesa.
Labi ko'y mala-rosas malas lamang ay makapal,
matang malalaki kilay ay masusukal.
Patusok, mga tenga ko't ilong tulad sa duwende.
Buhok ko'y pinagtripan ng barberong gamit ay lagare.
Bride at Groom: Kami, sa tapat ni Mayor Madlangnakaw,
pinagtitibay, pag-iisang dibdib naming nag-uumapaw;
sa atas ng aming damdaming ginulpi ng tukso
at kapalarang tampulan ng nagmamagandang mundo.
Kapos man sa kraytiryang tanggap ng lipunan,
marangal naming ibinabayubay, simple naming katauhan.
Na kahit pinaglihi yata sa tiyanak at maligno
o sa kung anumang halimaw na likha ng kung sino
ay matapat kaming humihinga, walang layaw at bisyo--
walang konsiyensiyang binabangungot, nagdedeliryo--
kundi umibig lamang nang tapat at sinsero.
Kami, dalawa'ng itsura'y kinulang man sa rikit at luho
ay marunong namang kilalanin, tibok ng aming mga puso.
na nguso'y parang sumabog na tiyan ng tilapia.
Ilong na tila napitpit ng galit na martilyo,
noong pwedeng lapagan ng sampung eroplano.
Mata ko'y walang ipinag-iba sa butiki,
kutis ko'y maihahambing sa balat ng paniki.
Mala-buhok-ng-mais nagsisitubo sa aking anit,
pisnging maumbok nga'y tighiyawat nagsisisingit.
Balakang ko'y singkitid ng madulas naming eskinita,
hitang singpayat ng nabulok na sanga ng papaya.
Tuhod na sinumpa sa libu-libong sensilyo.
Sakong ko'y nagbakbak sa alipunga at kalyo.
Groom: Ako naman, si Elvis Dimaano Dela Cruz,
paang mukha nang luya'y suki pa ng paltos.
Binti ko'y tinadtad ng buni, pigsa at galis,
hitang pinanay ng sugat, an-an at gurlis.
Walang pandesal itong tiyan kong nag-impis
na ayaw ko ma'y madalas lamanan ng panis.
Dibdib ko'y isang kanbas na pinagpraktisang tatuan
ng mga kaibigang namberwan sa sugalan at lasingan.
Mga kamay ko'y maiiksi nakomang pa ang kaliwa,
balat na singkulay ng manibalang na chesa.
Labi ko'y mala-rosas malas lamang ay makapal,
matang malalaki kilay ay masusukal.
Patusok, mga tenga ko't ilong tulad sa duwende.
Buhok ko'y pinagtripan ng barberong gamit ay lagare.
Bride at Groom: Kami, sa tapat ni Mayor Madlangnakaw,
pinagtitibay, pag-iisang dibdib naming nag-uumapaw;
sa atas ng aming damdaming ginulpi ng tukso
at kapalarang tampulan ng nagmamagandang mundo.
Kapos man sa kraytiryang tanggap ng lipunan,
marangal naming ibinabayubay, simple naming katauhan.
Na kahit pinaglihi yata sa tiyanak at maligno
o sa kung anumang halimaw na likha ng kung sino
ay matapat kaming humihinga, walang layaw at bisyo--
walang konsiyensiyang binabangungot, nagdedeliryo--
kundi umibig lamang nang tapat at sinsero.
Kami, dalawa'ng itsura'y kinulang man sa rikit at luho
ay marunong namang kilalanin, tibok ng aming mga puso.
Poste
Nasa kasuluksulukan siya ng kanto, ngumangawa'ng bituka.
Sa bahaging hindi makukurot ng liwanag ng posteng-ilaw.
Ni makakanti ng nakatitig na laksang bituin.
Taimtim ang lakad ng pusang maniniktik ng pinaghapunan.
May hilik na dumadatal sa pisngi ng pader.
Tahimik sa pag-awit ang maputlang hangin.
Isang lalaking makintab ang katad, umbok ang puwit, papalapit.
Nagpakita ang buwan sa pisngi ng bente-y-nuwebe.
Bintanang umingit sa biglang bukas ng naalimpungatang ale.
Sa bahaging hindi makukurot ng liwanag ng posteng-ilaw.
Ni makakanti ng nakatitig na laksang bituin.
Taimtim ang lakad ng pusang maniniktik ng pinaghapunan.
May hilik na dumadatal sa pisngi ng pader.
Tahimik sa pag-awit ang maputlang hangin.
Isang lalaking makintab ang katad, umbok ang puwit, papalapit.
Nagpakita ang buwan sa pisngi ng bente-y-nuwebe.
Bintanang umingit sa biglang bukas ng naalimpungatang ale.
Bulalakaw
itong puso nating magkahawak
ayaw kong maging isang ibong
papel ang pakpak.
kumakampay sa alapaap,
buong sikap, binubuno ang hangin--
walang anu-anong mawawasak.
sa haltak ng grabidad,
walang puwang ang kaligtasan--
mabuhay ma'y di tiyak.
sakali mang humantong, pumalpak
ang pakpak; sabay sana tayong
bumagsak--anumang lagapak.
manatiling magkawahak,
puso nating magkabiyak.
ayaw kong maging isang ibong
papel ang pakpak.
kumakampay sa alapaap,
buong sikap, binubuno ang hangin--
walang anu-anong mawawasak.
sa haltak ng grabidad,
walang puwang ang kaligtasan--
mabuhay ma'y di tiyak.
sakali mang humantong, pumalpak
ang pakpak; sabay sana tayong
bumagsak--anumang lagapak.
manatiling magkawahak,
puso nating magkabiyak.
Nanik
sabihin ko mang galit ka sa mundo
o sa organisadong relihiyon, na ika mo,
pinagloloko lamang tayo. sabihin ko
mang ikaw ang isa sa pinakamapangutya
at walang tiwala sa tao bilang tao,
sabihin ko mang pinakamatindi
ang atay at baga mo sa bisyo.
sabihin ko mang minsan, di ko ramdam
na iisa ang ating dugo, dahil nga't
di maniwala ang ibang estranghero.
sabihin ko mang tulad ng langit,
may kanya-kanya tayong lupang
sinasakop at tulad ng sorpresang
regalo, may kanya-kanya tayong
lihim na itinatago. sabihin ko mang
kananete ako at kaliwete ka, na iba
ang likaw ng ating layon at bituka.
sabihin ko mang wala akong masabi.
sasabihin ko pa rin at kung mamarapatin,
isisigaw ko, una sa aking mga ugat
ikalawa, sa kuwarto ng mga aklat
at ikahuli, sa inaayawan mong mundo;
sasabihin kong mapalad ako
sa pinakamapalad at malapad
ang ngiti ko; dahil ikaw ang nakatatanda
kong kapatid, isang anino, isang salamin
wala man akong ate, na kayang pumunas
sa nalagas na luha sa aking mata
o magpayo na ganyan talaga ang buhay
at manalig ka lang sa Kanya
mayroon naman akong kuya, na dati kong
naging kakambal sa parehas na damit
at ngayo'y puwede kong arboran
ng tisert at polo. na kaya akong kotongan
sa tuktok ng aking bungo. (naaalaala mo
iyong sinuntok mo ako sa tadyang dahil
nakagalitan ka ni nanay dahil sa akin?)
na kayang magpabaha nang walang
patid na alak. na isang kuyang
makakabanggan ko ng utak at balak.
sasabihin ko sa iyo: marami, maraming
puwedeng maging kuya-kapatid
pero iisa lamang ang karugtong
ng aking lubid.
--maligayang kaarawan, Nick Anthony, kuya!
o sa organisadong relihiyon, na ika mo,
pinagloloko lamang tayo. sabihin ko
mang ikaw ang isa sa pinakamapangutya
at walang tiwala sa tao bilang tao,
sabihin ko mang pinakamatindi
ang atay at baga mo sa bisyo.
sabihin ko mang minsan, di ko ramdam
na iisa ang ating dugo, dahil nga't
di maniwala ang ibang estranghero.
sabihin ko mang tulad ng langit,
may kanya-kanya tayong lupang
sinasakop at tulad ng sorpresang
regalo, may kanya-kanya tayong
lihim na itinatago. sabihin ko mang
kananete ako at kaliwete ka, na iba
ang likaw ng ating layon at bituka.
sabihin ko mang wala akong masabi.
sasabihin ko pa rin at kung mamarapatin,
isisigaw ko, una sa aking mga ugat
ikalawa, sa kuwarto ng mga aklat
at ikahuli, sa inaayawan mong mundo;
sasabihin kong mapalad ako
sa pinakamapalad at malapad
ang ngiti ko; dahil ikaw ang nakatatanda
kong kapatid, isang anino, isang salamin
wala man akong ate, na kayang pumunas
sa nalagas na luha sa aking mata
o magpayo na ganyan talaga ang buhay
at manalig ka lang sa Kanya
mayroon naman akong kuya, na dati kong
naging kakambal sa parehas na damit
at ngayo'y puwede kong arboran
ng tisert at polo. na kaya akong kotongan
sa tuktok ng aking bungo. (naaalaala mo
iyong sinuntok mo ako sa tadyang dahil
nakagalitan ka ni nanay dahil sa akin?)
na kayang magpabaha nang walang
patid na alak. na isang kuyang
makakabanggan ko ng utak at balak.
sasabihin ko sa iyo: marami, maraming
puwedeng maging kuya-kapatid
pero iisa lamang ang karugtong
ng aking lubid.
--maligayang kaarawan, Nick Anthony, kuya!
Bombilya
galit
titig ng dilawang bombilyang di
ako tigilan ng sumbat
mga sibat
sinisipat
mga kamalian at hantungan
di makasapat
damdaming kinuyom ng paninimdim
mga bombilyang mayabang
pagkakatitig
matamang nananalig
sa duyan ng lungsod
tikas
kong walang ubod
ng katiyakan
nakayukong tinanggap
hatol
ng kaniyang sumbat.
titig ng dilawang bombilyang di
ako tigilan ng sumbat
mga sibat
sinisipat
mga kamalian at hantungan
di makasapat
damdaming kinuyom ng paninimdim
mga bombilyang mayabang
pagkakatitig
matamang nananalig
sa duyan ng lungsod
tikas
kong walang ubod
ng katiyakan
nakayukong tinanggap
hatol
ng kaniyang sumbat.
Nakangangang Lata Ng Gatas Sa Gilid Ng Bangketa
nasa kalungkutan mababatid
kung bakit nakaguhit ang ngiti
sa labi ng baliw.
kung bakit nakaguhit ang ngiti
sa labi ng baliw.
Alinsangan At Alinlangan
parang malungkot na ubo
ang garalgal ng lumang bentilador,
nagkukubli sa likod ng makutim na ulap
ang araw na sumulpot-mawala.
isang hapon ito ng kawalan--
ligaw sa lakbay ng hangin sa ulunan.
nagsasa-awitin ang garalgal ng benti-
lador na dumadatal sa kuweba
ng aking tainga.
dahil mas tiyak ang ubo
ng lumang bentilador--
garalgal ng katuturan
at naghihintay ng katapusang
takda ng alikabok at panahon.
marinig ko nawa, damhin ko sana,
ang mga baka-sakali
at bahala.
ang garalgal ng lumang bentilador,
nagkukubli sa likod ng makutim na ulap
ang araw na sumulpot-mawala.
isang hapon ito ng kawalan--
ligaw sa lakbay ng hangin sa ulunan.
nagsasa-awitin ang garalgal ng benti-
lador na dumadatal sa kuweba
ng aking tainga.
dahil mas tiyak ang ubo
ng lumang bentilador--
garalgal ng katuturan
at naghihintay ng katapusang
takda ng alikabok at panahon.
marinig ko nawa, damhin ko sana,
ang mga baka-sakali
at bahala.
Inspektib
kabalyerong naiinip, iniukit niya
sa tadyang ng puno
tulang nalikha ng kanyang dibdib
hindi siya sumungkit sa panaginip
ni sa luntiang mahika ng kalikasan
samu't saring hangarin at laksang
bituin;
tulang iniaalay niya
sa kanyang prinsesa.
sa tadyang ng puno
tulang nalikha ng kanyang dibdib
hindi siya sumungkit sa panaginip
ni sa luntiang mahika ng kalikasan
samu't saring hangarin at laksang
bituin;
tulang iniaalay niya
sa kanyang prinsesa.
Solipsism
sa tuwinang itatapat mo sa kuweba
ng iyong tainga,
huwag mong ipagtataka ang awit-dagat
na nagkulong sa loob ng kabibi.
batid mo namang ang agos at kampay
ng mga alon, hampas ng hangin sa
layag
ay himaymay lamang ng utak mong
lumalang sa mundo.
ang balintataw mo'y sa bungo nakatitig
at ang tainga mo'y
nagtago sa anit; huwag ipagtaka--
uniberso ang sintido
sa loob ng iyong ulo.
ng iyong tainga,
huwag mong ipagtataka ang awit-dagat
na nagkulong sa loob ng kabibi.
batid mo namang ang agos at kampay
ng mga alon, hampas ng hangin sa
layag
ay himaymay lamang ng utak mong
lumalang sa mundo.
ang balintataw mo'y sa bungo nakatitig
at ang tainga mo'y
nagtago sa anit; huwag ipagtaka--
uniberso ang sintido
sa loob ng iyong ulo.
Sabado, Hulyo 7, 2012
Huwebes, Hulyo 5, 2012
Ang Makata Sa Panahon Ng Barbel, Gel At Abs
Ano’t ipinagtataka mo ang lambot sa aking buto?
Lanta ang kalamnan ko sa away at basag-ulo.
Wala sa aking bisig ang lakas ng matipuno.
Hindi ako ang tipong layon ng kung sino.
Malakas lang ako, minsan, sa toma at huntahan,
Ng kung anu-anong may kinalaman sa lipunan, panitikan.
Na ika nila’y lumang tugtugin, wala nang kapararakan,
“Susmaryosep, kauubusan lang ng laway! Kahabagan!”
Hindi ako mahilig sa polo, sa slacks, sa gel.
Hindi rin sa gym, sa treadmill, sa sit-up o dambel.
Madalas gutom, pinakamadalas puyat kaya minsan payat.
Aba, ikaw ba naman na ang salita’y dinidildil, ginagayat!
Hindi ako kukuyugin ng mga babaing humahanga
Sa pandesal na nagsulputan sa tiyan ng artista.
Wala sa akin ang biyaya ng Adonis na, rockstar pa.
At wala ring ngiti ng makisig na prinsepe ng prinsesa.
Ano’ng pinagkakaabalahan ko? Magbasa, sumulat ng tula.
Ano kamong nakukuha ko? Maglaboy, mag-isip, tumulala.
Kung hihingin ng panahon, makasasayaw ako sa bubog
Mga salita kong mahahabi sa digmaan ihuhubog
Huwag, huwag mong susubukin ang aking pisi,
Kaya kong hawakan ang emosyon mo’t kiliti.
Matapat ang mga metapora, mga tayutay kong to be.
Kaya kong pamukadkadrin ang bulaklak na iyong tinatangi.
Bigyan mo ako ng isa, dalawa, tatlo—A! laksang mga gabi,
At makikilala mo ang lantay na pag-ibig sa mga tula ko’t labi.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)