habang sinasarili natin ang daigdig
ng init at inip
sa loob ng mala-pugon na dyip
at ginagaygay ng aking mga kamay
ang iyong buhok na pinasasayaw
ng rumaragasang hangin
habang ang mga daliri ko'y kumakapit
sa iyong tumataba na yatang balakang
at iginuguhit ko roon ang mga pagnanasa
habang nagpipiyesta ang pawis sa aking
noo at pagkatao
bigla, ay may kung anong sampal
ng pagkakabigla ang kumabig sa naliliyo
na nating daigdig ng lambing, sa kalansing
ng mga ngiti sa ating labi
at pinalitan ng pagtataka ang mga tawa
isang babaing nagpuputukan ang bilbil
at singkit ang mga matang nagpapakilala
ng kanyang sarili
ang salarin sa sampal na gumulantang
sa aking malambing na kamay
ayaw niya sa kamay kong malambing
na aksidenteng nabangga ang buhok
niyang wala akong interes at hindi
ko binalak
mauunawaan ko't mauunawa
ang kalagayan niyang salungat
sa katanggap-tanggap
sa mundong itong isinilang sa pag-ibig
at paglalambing, marahas ang mga kamay
kong kilala ang kinis ng mga pisnging
iniirog at ang gaspang ng mga kalyo
sa palad ng sinisinta,
hindi ako nagalit, bagamat nabigla
isa pa'y katabi ko ang dahilan ng aking
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento